^

Pang Movies

Apl.de.Ap, namigay ng mga laptop

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Apl.de.Ap, namigay ng mga laptop
Apl.de.Ap

Kahit isang international singer si Apl.de.Ap, hindi siya nakakalimot lumingon sa kanyang pinagmulan.

Kamakailan nagpamigay ang Black Eyed Peas member ng mahigit 20 laptops para sa mga estudyante ng kanyang alma mater na Sapang Bato National High School sa Angeles, Pampanga sa tulong ng isang international online education platform at isang sikat na computer brand.

Bukod dito, nagtanghal din siya kasama ang The Voice Generations contestant na Ayta Brothers.

“I was born here. I grew up in Sapang Bato, and I was one of these kids. As one of these kids I was given an opportunity and became a Black Eyed Peas member. And now I’m paying it forward to help kids just like me to be able to have an opportunity to these resources and to be able to compete with the world,” sabi pa niya.

Kyline, ayaw mag-aksaya ng oras sa kanegahan!

Nabawasan na raw ni Kyline Alcantara ang paggamit niya ng social media.

Inamin ng Shining Inheritance star na nagpo-post lang daw siya ng updates pero hindi raw siya nagbabasa ng comments at nagso-scroll sa ibang sites.

Mas mabuti na raw yung hindi siya nag-aaksaya ng oras sa pag-check sa social media. Nakakabuti raw iyon sa kanyang mental health. “Nand’un ako sa phase in my life na it doesn’t matter what they say because I know myself, I know what my truth is,” sey pa ng Sparkle star.

Thankful lang siya sa suporta ng kanyang fans na kung tawagin niya ay sunflowers dahil nandyan pa rin sila kahit ano pa ang intriga sa kanya.

Ariana Grande, divorced na

Officially divorced na si Ariana Grande sa kanyang ex-husband na si Dalton Gomez.

Lumabas noong March 19 ang documents sa pag-dissolve ng marriage nila mula sa Los Angeles Superior Court.

Noong September 2023 nag-file ng divorce si Grande at na-settle na ito nung October pa. Pero may mandatory na six months bago ang official na pag-dissolve ng marriage nila.

Wala silang anak at pre-nuptial agreement kaya nagkaroon sila ng settlement terms.

Nagbigay siya ng one-time payment amounting to $1,250,000 kay Gomez at walang future spousal support. Nagkasundo rin sila na ibenta ang Los Angeles home nila at si Grande rin ang nagbayad ng attorney’s fee ni Gomez na umabot sa $25,000.

“Irreconcilable differences” ang reason for the breakdown of their marriage. Kinasal sila in Montecito, California, on May 15, 2021.

Kasalukuyang karelasyon niya ang co-star niya sa pelikulang Wicked na si Ethan Slater na nag-file ng divorce sa estranged wife niyang si Lilly Joy.

APL.DE.AP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with