Showtime, may teaser na sa GMA!
MANILA, Philippines — It’s Showtime, mga Kapuso.
Confirmed na nga ang pag-ere ng It’s Showtime sa GMA 7 – sa naiwang timeslot ng Eat Bulaga at Tahanang Pinakamasaya.
Official statement na lang ang kailangan.
Naglabas na sila ng ‘teaser’ kahapon.
Kaya naman trending na ulit ang programa kahapon.
Four days ago nang unang lumabas dito sa Pilipino Star NGAYON at Pang Masa, sa article ni L. Guerrero, na pinaplantsa na nga ang kontrata sa pag-ere ng dating banner show ng ABS-CBN sa Kapuso Network.
Bongga, talagang wasak na wasak na ang network war.
Kapamilya online live, naka-168M views!
Bongga nakakuha ng 168,944,336 total views sa Kapamilya Online Live para sa buwan ng Pebrero 2024.
Tuluy-tuloy ang maaaksyong tagpo ni Tanggol (Coco Martin) sa FPJ’s Batang Quiapo ngayon malamang na makalaya sa kulungan. Dahil dito, determinado siyang makakuha ng hustisya para sa pagkamatay ni Mokang at susubukan din niyang magbagong-buhay sa tulong ni Bubbles (Ivana Alawi).
Ibang level na rin ang gigil sa Linlang: The Teleserye Version dahil buntis si Juliana (Kim Chiu) at si Alex (JM de Guzman) ang ama!
Maitatago kaya nila ang katotohanan mula kay Victor (Paulo Avelino) o patuloy nilang paiikutin ang ulo nito?
Kilig na kilig naman ang mga manonood ng Can’t Buy Me Love dahil mas lalong lumalim ang relasyon nina Caroline (Belle Mariano) at Bingo (Donny Pangilinan). Kasabay nito, unti-unti na silang napapalapit sa katotohanan tungkol sa pagkamatay ng nanay ni Caroline na maaaring makaapekto sa kanilang samahan.
Available sa Kapamilya Online Live ang pinakahuling episodes ng iba’t ibang programa ng ABS-CBN kung saan live at on-demand itong napapanood sa Philippines, Asia, Europe, Australia, at New Zealand sa YouTube ng ABS-CBN Entertainment, ang nangungunang YouTube channel sa buong Southeast Asia.
Star Magical 2024, mala-fairy tale celeb
Muling nagsama-sama at napanood ng viewers ang isang fairy tale celebration ng mga hit Star Magic Gen Z stars pati na ang iba pang bagong bituin nito sa Star Magical 2024 nitong Marso 14 na ginanap sa Bellevue Hotel.
Ilan nga sa mga nag-trending na rumampa sa Ivory carpet sina KD Estrada at Alexa Ilacad na nagbihis bilang Prince Eric at Ariel, sina Donny Pangilinan at Belle Mariano sa kanilang Beauty and the Beast outfit, Seth Fedelin at Francine Diaz bilang Cinderella at Prince Charming, si Xyriel Manabat na nagsuot ng isang sparkly gown, at sina Criza Taa at Harvey Bautista sa kanilang interpretasyon ng prince at princess costume.
Bukod naman sa kaabang-abang na pagrampa ng mga artista sa Ivory carpet, tinutukan din ng manonood ang launch ng Star Magical Prom 2024 OST kabilang ang Walang Hanggan nina KD at Alexa, Tunay nina Francine at Seth, at Believing in Magic nina Alexa, Belle, at Francine.
- Latest