^

Pang Movies

Tom, gusto munang ipagdamot ang bagong lovelife

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Tom, gusto munang ipagdamot ang bagong lovelife
Tom

Matapos ang mahigit dalawang taon simula nang maghiwalay sina Carla Abellana at Tom Rodriguez, fully healed na nga ang aktor and in fact ay kinumpirma na nga niyang he’s seeing someone.

Ayon sa aktor ay hangad din niya ang kaligayahan ng kanyang dating asawa.

“I really wish her well. Everyone of us deserves happiness and I really wish that for her,” sey ni Tom sa panayam sa Fast Talk with Boy Abunda.

Aniya, akala nga raw niya ay mananatili nang nakasara ang kanyang pinto para sa bagong pag-ibig.

“When I went through that healing process, that wasn’t even in my mind. But I do believe that love does find you when you’re ready for it. And when it found me I thought my doors would be closed forever,” he said.

“Hindi pala because I’m experiencing it again now. And it’s something that I will treasure and cherish and really do my best to really protect,” dagdag niya.

Pero ngayon daw ay lilimitahan na niya ang pagse-share sa public ng kanyang personal life.

“This time around I’m gonna keep it for myself and those people that are very important to me,” sey niya.

“OK na kami, kaya sorry na nagdadamot ako Tito Boy. I really wanna keep it close to the heart this time around,” saad pa ng aktor.

Gardo, may request kay Jaclyn!

Hiling ni Gardo Versoza na dalawin siya ng yumaong kaibigang si Jaclyn Jose.

Nag-upload ang aktor ng lumang larawan ni Jaclyn at sa caption ay sinabi niya ang kanyang request.

“im sure alam mo na ang mga kaganapan abe ,, at katawa tawa di ba ,, pang cannes ang mga performances miss kita abe ,, pag pinayagan ka ni ama dalaw ka lang sa akin anytime ,, dami kong blind items sa iyo hehehe labyu,” mensahe ni Gardo sa pumanaw na kaibigan.

Bukod dito ay kinumusta rin ni Gardo kay Jaclyn ang kanyang ina na nasa kabilang buhay na rin at sinabi ring miss na niya ang kaibigan.

“Abe musta sa mga nanay natin im sure sarap ng kwentuhan nyo dyan mishu,” he wrote.

Na-touch naman ang netizens sa mensahe ni Gardo para sa kaibigan at pinuri ang kanilang friendship.

“This is so heartwarming and heartbreaking as well  you and Ms. Jane really are very close. Sending you warm hugs to comfort you this trying times,” sey ng isang netizen.

“Wow.Friends forever,” sabi naman ng isa pa.

“Thank you Mr Gardo V.for the beautiful memories with Ms Jane. Sayang d ko man napanood sitcom nyo pero sa Batang Quiapo may mga scenes pa sya doon,” saad naman ng isang fan.

vuukle comment

TOM RODRIGUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with