^

Pang Movies

Bianca, tinalbugan sa poster si Ate Guy

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Napaka-unfair naman nila kay Bianca Umali. Kung anu-ano na ang sinasabi nila sa bata sa isang bagay na kung iisipin hindi naman niya kasalanan.

Iyon ay may kaugnayan sa isang pelikulang Tagalog na Mananambal na magkakaroon daw ng special screening sa Japan, kaya kung titingan ninyo ang poster may mga nakalagay na Japanese characters.

Dito sa atin walang nakakaalam kung kailan maipapalabas ang pelikulang iyan. Isa ‘yan sa apat pang pelikula ni Nora Aunor na hindi makahanap ng playdate sa mga sinehan.

Doon sa Japanese poster may malaking mukha si Bianca Umali at nasa likod ng kanyang picture ang mas maliit na mukha ni Nora Aunor.

Kaya naman tinalakan si Bianca at sinabing ano raw ang karapatan noon para mas maging malaki ang kanyang picture, hindi ba alam ni Bianca na si Nora Aunor bukod sa isang national artist ay “best actress in five continents.”

Pero ang tanong namin, ano ang kasalanan ni Bianca Umali?

Ang poster ng pelikula ay ginagamit para makatawag ng pansin ng mga tao para manood sila ng pelikula. Ang ayos ng poster at maging ang billing ay nasa producers iyan at sa kanilang marketing arm.

Ilalabas iyan sa Japan, kaya malamang na hindi alam ng mga Japanese kung national artist siya Pilipinas.

Aminin natin hindi na ganoon ka-attractive kung si Nora Aunor pa ang nasa front. Kung dito nga sa Pilipinas hindi na napapansin kasi nga lumipas na ang kanyang panahon.

Kaya bakit si Bianca Umali ang lalaitin ninyo dahil mas malaki ang picture niya sa poster ng pelikula?

Classic films, binubuhay na ulit

Nauuso nga yata ngayon ang muling pagpapalabas ng mga pelikulang klasiko na nagkakaroon ng talk back ang mga artista, director o iba pang may kinalaman sa pelikula.

Sinimulan iyan ng CCP, nang muling ipalabas ang pelikulang Anak, na sinundan ng isang talk back kasama ang Star For All Seasons na si Vilma Santos at ang national artist na si Ricky Lee. Dinumog iyon ng mga kabataang estudyante sa St. Paul auditorium sa QC. Naroroon din ang maraming mga madre at pari na siyang sumama sa kanilang mga estudyante.

Dahil sa naging tagumpay noon, nagsimula na rin ang ibang samahan na maglabas ng mga pelikulang klasiko na sinusundan ng isang talk back.

Dapat dumami pa iyang mga ganyan para naman mamulat ang mata ng mga Pilipino na ang mga Pilipino ring manggagawa ng pelikula ay makagagawa ng mga pelikulang de kalibre at may saysay, kung susuportahan lamang nila.

MMFF entry, lugi pa rin sa taas ng TF ng artista!

Pero hindi lahat ng mga malalaking pelikula at kumita kahit na papaano, ay masaya ang producers. Kagaya nga ng kuwento ni Wendell Alvares sa amin noong isang gabi, kausap daw niya ang producer ng isang pelikulang kasali sa Metro Manila Film Festival (MMFF) noong nakaraan. Kumita naman ang pelikula kahit na papaano. Hindi mo naman masasabing flop.

Anyway dalawang malaking artista nga ang kinuha ng producer. Kumuha rin naman siya ng isang writer na kilala at sumikat noon sa isang major film company, ok din naman ang director, pero ang nangyari sa kanya lugi pa rin kasi ang taas ng bayad niya sa talent fee ng kanyang mga artista at hindi naman naging malaking hit talaga.

vuukle comment

BIANCA UMALI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with