^

Pang Movies

Vlogger/entrepreneur Yexel Sebastian, sangkot sa P50-B investment scam!

ISYU AT BANAT - Pang-masa
Vlogger/entrepreneur Yexel Sebastian, sangkot sa P50-B investment scam!
Yexel Sebastian

Sinampahan na ng kasong syndicated estafa ang dating dancer vlogger at entrepreneur na si Yexel Sebastian.

Ito ay kaugnay ng isang investment scam na kung saan siya ay nasangkot. Mahigit na 30 tao ang nagsasabing sila ay naging biktima ni Yexel na nagdemanda sa tulong ng NBI.

Sinasabi ng NBI na hindi pa iyon ang kabuuan, dahil maraming iba pang professio­nal at pulitiko maging celebrities na diumano ay nabiktima rin niya at kung isasampa na nilang lahat ang kaso ay maaaring umabot ang halagang hinahabol sa P50 billion.

Si Yexel kasama ng kanyang asawa ay nagtungo sa abroad bago pa magsimula ang imbestigasyon sa kaso pero sinasabi ng NBI na maaari silang pabalikin sa bansa para panagutan ang lahat ng mga kasong isinampa laban sa kanila.

Hindi pa nagbibigay ng opisyal na pahayag si Yexel subalit sa isang video sinabi niya na siya ay biktima rin ng scam dahil siya at nag-invest din lang sa nasabing kumpanya.

Sa kasalukuyan inaalam na nga ng NBI ang mismong tinitirahan ni Yexel sa abroad at hihilingin nila sa gobyerno ng US na ibalik siya sa Pilipinas para mapanagutan ang mga krimeng ibinibintang sa kanya.

Kung totoo ngang biktima lang din siya maaari siyang maging state witness laban sa mga talagang nagkasala.

Ate Vi, hirap mamili sa gagawing pelikula

Ang daming events na pinasyalan ng Star For All Seasons na si Vilma Santos nitong nakaraang linggo. Nauna riyan ay naging guest siya sa isinagawang Barako Festival sa Lipa, isang trade at tourism event iyon para sa buong lalawigan ng Batangas.

Tapos nakita rin siya sa ika-50 anibersaryo ng Mowelfund kung saan siya humarap sa maraming mga manggagawa sa industriya ng pelikula. Nangako rin siya sa kanila na itutuloy niya ang kanyang advocacy na mapabalik ang mga tao sa sinehan, at gagawin niya ang lahat ng makakaya para makatulong na maibangon ang industriya ng pelikula. Idiniin niya na siya sa ngayon ay isang “private citizen in show business.”

Inamin din ni Ate Vi na tinanggihan niya ang alok na pamunuan ang Film Academy of the Philippines, dahil naniniwala siyang mas marami siyang magagawa at mas makakakilos siya nang malaya kung gagawin niya ang kanyang mga kampanya sa industriya ng pelikula nang mag-isa.

Inamin niyang pinag-aaralan niya ang isang alok ng producer ng pelikulang Mallari. May offer din sa kanya ang mga producers ng When I Met You In Tokyo na gumawa ulit ng isang pelikula para sa festival din.

Showbiz gay, hinintay pang tumanda bago nagladlad

Ang “pag-ibig nga naman.” Nakakahiya mang tingnan at tila alangan na ang ikinikilos ng isang may edad na ring showbiz gay na nagpipilit na magmurang kamatis at nakikitang ka-date ng isang bagets na pogi na boyfriend daw niya sa ngayon.

Pero siyempre magiging boyfriend ba naman niya iyon kung walang kapalit na malaking halaga?

Pero ang nakakailang talaga, kung kailan pa siya tumanda na at saka pa nagladlad nang ganoon.

YEXEL SEBASTIAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with