^

Pang Movies

Korina, handa nang maging Senador?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Korina, handa nang maging Senador?!
Korina Sanchez
STAR/File

As of this writing, 60-40 na ang decision ni Korina Sanchez na kumandidatong senador sa mid-term elections next year.

Yup, mas lamang na raw na kakandidato ang misis ni former senator Mar Roxas.

Well, kung sa ibang pulitiko rin lang naman, mas qualified si Madam Koring.

Tiyak na magiging mahusay siyang senador.

Anyway, mukhang magiging showbizzy nga ang election next year dahil kabilang din sa sinasabing tatakbong senador sina Isko Moreno and Phillip Salvador.

Nasa senado na sina Bong Revilla, Robin Padilla, Lito Lapid and Jinggoy Estrada.

Actress, kumikita ng P15 million sa isang endorsement

Tumataginting na P15 million pala ang talent fee ng actress sa kanyang mga endorsement.

Yes ganun daw kalaki ang kinikita nito sa mga endorsement kaya naman pala bongga rin ang mga kagamita niya.

Parang walang below P100,000 sa mga sinusuot niya.

Bongga rin ang mga alahas, bag, shoes, etc. etc.

Kasi sa isang endorsement pa lang, ganun na kalaki ang datung niya.

At least hindi lang siya basta X-deal sa mga endorsement.

At hindi niya rin kailangang mag-vlog para kumita.

Nadine, nanatiling fresh kahit 3 ang anak

Fresh and beautiful pa rin ang Kapuso actress na si Nadine Samonte na matagal ding namahinga sa acting at nag-concentrate sa pagiging mommy.

Present ang celebrity mom sa premiere night ng bago niyang pelikula, ang inspirational drama na Layas ng Pinoyflix Films under the direction of Jose “JR” Olinares.

Kasalukuyan na itong napapanood sa mga sinehan.

Sa true lang, maganda pa rin ni Nadine.

Bumalik na sa dati ang kanyang katawan, ang laki na ng kanyang ipinayat.

At parang hindi naman siya nanganak ng tatlo.

Aniya, 10 kilo na halos ang nawala sa kanya dahil sa pagba-boxing at pagda-diet, “Pinaghandaan ko talaga ito (pagbabalik-showbiz). Grabe rin ang diet na ginawa ko.

“Sabi ko, kapag nag-comeback ako, kailangan payat ako. Eh, lumaki talaga ako nang sobra. So nagba-boxing ako, aside from diet. At masaya ako ngayon,” chika ni Nadine sa premiere night ng Layas.

Pinaabot muna niya ang dalawang taon ang anak na bunso bago ulit siya nagbalik sa showbiz at may blessing daw ang mister niya sa pagbabalik niya sa pag-arte.

“Basta salitan kami ng husband ko, kapag wala ako sa bahay, dapat nandoon siya. It’s time for me to work.

“Hinahanap ko talaga ang pag-arte, ang magtrabaho, magpuyat. Kaya noong mabigyan ako ng chance, in-accept ko na kasi, dahil sayang naman.”

Pero tulad sa mga misis na aktres, may limitasyon na siya sa kanyang mga ginagawa at hindi na siya kailangang pagsabihan ng kanyang mister. “Ako mismo ang umaayaw, like hindi na puwede ang kissing scene, o bed scene. Siguro mga smack lang.

“Actually, ang husband ko mismo ang may gusto (pagpapa-sexy). Siya ang nagsasabi na okay lang. Ako talaga ang nagsasabi na wait lang, tingnan muna natin. Hahahaha. Mas conservative talaga ako sa kanya,” pag-amin pa ni Nadine.

Ang Layas ay isang inspirational feature film starring na pinagbibidahan din nina Joem Bascon, Alex Medina, Michelle Vito, and social media influencer Namy Ulengka.

Introducing child actors Alodia Buenio, Kristine Buenio, RG Guinolbay, Gwynn Villamor at James Estrella.

Also starring Dianne Medina, Ping Medina, Dindo Arroyo, Pamela Ortiz, Poppo Lontoc, Trish Bancod, with the special participation of Norida Nakamura.

Showing na ngayon ang Layas sa mga sinehan at mapapanood din sa ibang bahagi ng Amerika at Japan.

KORINA SANCHEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with