^

Pang Movies

Yen, pinakita ang kaligayahan nila ni Paolo

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Binati ni Yen Santos ng happy birthday si Paolo Contis na birthday kahapon, March 14, by posting photos of the actor noong bata pa na nalalaba. Eksena ‘yun ni Paolo sa pelikula yata o TV series.

May photo pa si Paolo na nag-blow ng candle at may cake sa harap niya at kita na nasa restaurant ito.

Ang last photo na pinost ni Yen ay larawan nila  na magkasama at parehong nakangiti at kita na masaya sila.

Ang caption ni Yen sa kanyang post ay “screaming happy 40th birthday to my best friend! thank you for everything you do (at sinamahan ng blue heart emoji).”

Naka-off ang comment box ng IG ni Yen, kaya walang basher na makapag-comment. Na-check din namin na si Paolo lang ang mag-isa na pina-follow ni Yen sa IG.

Bela, Cristine at Shaina, may acting showdown sa serye ni Piolo...

Kasama na sa cast ng Pamilya Sagrado sina Bela Padilla at Cristine Reyes, kaya inaabangan na ang acting showdown nila ni Shaina Magdayao na una nang na-announce na kabilang sa cast.

Balik ABS-CBN si Cristine after five years na ang last drama series ay sa TV5 dahil collab ng network at Viva Entertainment.

Si Bela naman, nagpahayag ng “It’s great to be back.”

Ang naalala naming last series niya sa ABS-CBN ay Ang Probinsyano at Sinong May Sala at ilang taon na rin ‘yun. Kaya naman, excited siyang muling makagawa ng series sa ABS-CBN.

Sa laki ng cast ng Pamilya Sagrado, tinawag itong Biggest Kapamilya Serye of 2024 at pagbabalik-serye rin ito ni Piolo Pascual, kaya naman inaabangan na.

Marian, naisip sa alien... sina Zia at Sixto

Sa April 1 na ang world premiere ng My Guardian Alien ang primetime series nina Marian Rivera at Gabby Concepcion. Kaya pala panay-panay na ang labas ng teaser sa GMA 7 at kaya nagsimula nang mag-promote ni Gabby sa kanyang Instagram account.

Sa direction ni Zig Dulay, nabanggit ni Marian na isa sa mga rason kung bakit niya tinanggap ang project na ito dahil puwedeng mapanood ng mga anak nila ni Dingdong Dantes na sina Zia at Sixto.

Isa pa sa takeaway ng series ay first time magtambal nina Marian at Gabby na noon pa sana sa First Yaya. Kahit ang mga bida, excited na natuloy ang kanilang pagtatambal nila. Ang My Guardian Alien nga ang papalit sa Love. Die. Repeat nina Jennylyn Mercado at Xian Lim na three weeks na lang bago magtapos.

Atasha hindi abusada sa cellphone, nag-aaral pa ng kalakaran sa social media

Sa interview ni Iza Calzado kay Atasha Muhlach sa Women Summit 2024 ng Go Negosyo, natanong ni Iza ang dalaga nina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez-Muhlach kung paano niya ginagamit ang social media sa kanyang showbiz career?

Nagulat si Iza sa naging sagot ni Atasha na, “I’m still learning the ropes of social media because I was only given phone until the age of 17. It was always the landline of the house growing up. Old school living. We weren’t really given access to social media that’s why I’m still learning the process of it.”

Atasha is 22 years old at ibig sabihin, five years pa lang siya nagkaroon ng cellphone. Nakakagulat nga na kahit they have the means, hindi pumayag sina Aga at Charlene na magkaroon ng cellphone sina Atasha at twin nitong si Andres hangga’t para sa kanila, hindi pa right time.

Mababait din ang twins nila, hindi sila nagreklamo na wala silang cellphone. Talo pa sila ng mga bata ngayon na at two years old, cellphone na ang hawak. Ang iba nga, may cellphone na, may tablet pa at laptop.

YEN SANTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with