^

Pang Movies

Naniniwalang maikli lang ang buhay Marian, minahal na ang mga kaaway!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Naniniwalang maikli lang ang buhay Marian, minahal na ang mga kaaway!
Marian Rivera

Pulos pa-thank you sa Diyos ang binabanggit ni Marian Rivera.

“Lagi kong sinasabi sa mga anak ko ‘pag nagdarasal kami sa gabi na maging thankful kami sa mga blessing ni Lord sa amin,” umpisa ng Box Office Queen nang tanungin ko kung ano pa ang pinagdarasal niya.

Bago pa siya naging Box Office Queen, si Marian ang GMA Primetime queen, most followed local celebrity sa Facebook kung saan meron siyang 29 million followers, ilang milyon din ang followers niya sa Instagram and TikTok.

Pero marami rin naman daw siyang realizations lately at ang pinaka-sigurado lang dito ay : “Life is too short.”

“So, sa maikling paglalakbay na ‘yan siguraduhin mo na marami kang natutulungang ibang tao at masaya ka bilang ikaw,” sabi pa ni Marian.

Pero inasahan ba nila ang massive success ng pelikulang Rewind na more than sa billion peso na raw ang kinita kasama na ang mga kita sa abroad.

“Actually hindi. Nag-usap kami ni Dingdong (Dantes), siyempre at first parang sinabi namin kung laban ba tayo (sa pelikula).... Bahala na. Tapos nung binasa namin ang script, ahh malinaw sa amin na gagawin namin ang Rewind kasi gusto namin ipasa ang message ng pelikulang ito sa ibang tao.  Ano ba ang mga message na ito, maikli lang ang buhay, mahalin natin ‘yung mga taong nagmamahal sa atin, ‘wag puro poot o galit ‘yung pairalin natin kung nakagawa ng masama sa atin, bakit hindi natin pagbigyan at patawarin ang mga taong ito.

“So parang ganun, ang lahat nang ito, utang na loob kay Lord. Lahat ito ay panandalian lamang. Ang tingnan natin is the eternal life na kasama natin Siya. ‘Yun ang totoong buhay,” mahabang sagot ni Marian sa ginanap na media launching ng bago niyang endoresent para sa I AM Worldwide.

Kaya naman bagay na bagay sa kanya ang #Blessed dahil kitang-kita rin ito hindi lang sa aura niya mapa-career o personal life man.

Bukod nga sa global success ng 2023 MMFF entry nila na Rewind ng mister (na mapapanood na rin sa Netflix simula March 25) at taping ng bagong serye na My Guardian Alien sa Kapuso network, kabi-kabila rin ang endorsement shoot/launch ng mommy nina Zia at Sixto.

Bukod dito, may ina-eye silang pelikula na hindi pa umano niya pwedeng i-share ang detalye at may launch bilang Pinay endorser ng Kiko Milano sa Milan.

Kapansin-pansin din ang ang freshness niya sa suot na mustard Zimmermann outfit na tinernuhan ng Valentino designer shoes, Dior earrings/necklace at Michelate ring.

At nang tanungin kung open ba siya sa ideya na maging global fashion icon, ani Marian, pwede naman. “Pero siguro more on parang hindi muna. Parang du’n muna ako sa Kiko. Ang daming trabaho dito,” paglilinaw niya.

Sa ngayon, bukod sa trabaho, siya talaga ang nagpapaligo kina Zia at Sixto tuwing papasok sa eskwelahan na ngayon pa lang, pinapraktis na rin ang hashtag “blessed.”

Anne, kumampi sa galit ni Sen. Nancy Binay sa pambabastos sa Chocolate Hills

Kabilang si Anne Curtis sa nalungkot at nagalit na mayroong resort sa gitna ng Chocolate Hills sa Bohol.

Tweet ni Anne : “Is this true kaya? Sad naman if they are allowing this so close to the beautiful natural wonders of our country.”

Makikita nga sa nasabing viral video ang malaking swimming pool sa gitnang bahagi ng Chocolate Hills at cottages pa.

Nag-agree rin si Anne sa komento ni Senator Nancy Binay na “nakakagalit at nakakadurog ng puso ang nakita nating mga nakatayo nang resorts sa mga paanan mismo ng Chocolate Hills.

“Sa unang tingin pa lamang, alam na nating may mali.

“Kung ang mga ahensya ng gobyerno na may tungkulin at responsibilidad na pangalagaan ang CHocolate Hills ay may pro-environment mindset, ang tanong po natin, bakit nakapagpatayo ng resort at mayroon pang cottages at swimming pool sa isang ‘classified natural monument’ sa ilalim ng NIPAS, at isang protected UNESCO geopark?”

Pero paanong nagawa ‘yun na hindi napo-post sa social media?

Papa P., tawang-tawa sa pandadakma sa kanyang bird ni Whang-Od!

Iba’t iba ang reaction sa kumalat na video na hini­puan ng indigenous tattoo artist na si Apo Whang-od si Piolo Pascual ng private part nito.

Makikita nga sa nag-viral na video ng pinaka-matandang mambabatok na dinakma nito ang bird ni Papa P sa kanyang shop sa Buscalan.

Actually, may bwelo pa siya. Hahaha.

Pero nasa hitsura naman nilang na-enjoy nila ang nasabing dakmaan dahil nakikitang tawang-tawa sila at maririnig pang nagsisigawan ang mga andun at obvious na alam nilang may mga nagvi-video.

Alam mo rin naman aprubado nina lola Whang-od at Papa P ang nasabing eksena sa totoong buhay na hipuan.

Pero ang punto ng iba, kung lalaki si Apo Whang-od at babae ang hinipuan tiyak na nagwala na ang maraming netizens.

Tiyak daw na isang sexual harrassment na ‘yun lalo na at may edad na ang mambabatok.

Kaya naman may mga nagpapa-cancel sa kanya.

Pero 107 na raw ang edad ni Whang-od kaya ‘wag nang bigyan ng malisya ang paghihipo niya kay Papa P.

At maraming napa-sana all na pwedeng hipuan ang actor.

Saka sa mga ganung lugar, remote areas, walang malisya ang ganun. Ang social media lang ang nagpalala sa mga ganun.

Anyway, hindi ito ang first time na diumano’y nandakma ang pinakamatandang mambabatok.

Minsan nang kumalat ang isang video na may hinipuan din itong medyo bagets pa na hindi rin naman nagalit.

Last Feb. 14, 2024 nang tumanggap Whang-od ng Presidential Medal of Merit na ipinagkaloob ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isang seremonya sa Palasyo ng Malacañang bukod sa magandang cover ng isang magazine ang mambabatok na nag-viral hanggang abroad.

vuukle comment

MARIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with