^

Pang Movies

Juday, limang taon bago nag-comeback

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Juday, limang taon bago nag-comeback
Judy Ann Santos

Ibinahagi ni Judy Ann Santos sa kanyang Instagram account ang first shooting day niya sa seryeng The Bagman at makikitang masayang-masaya ang aktres sa muli niyang pagbabalik sa paggawa ng drama series.

Matatandaang huli pang napanood si Juday sa teleseryeng Starla in 2019.

Sa video na ipinost ni Juday ay mapapanood ang pagdating niya sa ABS-CBN compound.

“First shooting day of The Bagman,” aniya.

“I’m back,” masayang wika pa ng aktres habang pumapasok sa dressing room.

Pagpasok niya ay bumungad sa kanyang ang flowers bilang pag-welcome sa kanyang pagbabalik.

“Ang daming flowers!” bulalas niya.

“After Starla, ‘eto na ulit. I am back with ABS-CBN,” she said.

Sa The Bagman ay ginagampanan ni Juday ang papel ng isang Presidente ng Pilipinas.

“Ganito pala pakiramdam ng isang Presidente, may taga-payong, may mga naka-shades na bodyguards,” masayang wika ni Juday bago mag-taping.

Ang The Bagman ay spin-off ng successful series na Bagman starring Arjo Atayde na siya ring bibida sa bagong serye, reprising his role as Benjo Malaya.

Aside from Arjo and Juday, kasama rin sa nasabing upcoming series sina John Arcilla, Tirso Cruz III, Ryan Eigenmann, Charlie Dizon, Gela Atayde at marami pang iba.

Tirso Cruz, tahimik pa sa pag-alis sa FDCP

Nag-resign si Tirso Cruz III bilang chairperson ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Ayon sa tweet ni MJ Felipe ng ABS-CBN sa kanyang X account, kinumpirma ni direk Jose Javier Reyes ang pagre-resign ni Pipo. Personal umano ang dahilan ng pagbibitiw ng aktor.

“JUST IN: Tirso Cruz III has resigned from his post as chairman of the Film Development council of the Philippines citing personal reasons. This was confirmed by Jose Javier Reyes, who is the technical consultant of the agency under Cruz’ wings,” tweet ni MJ.

Wala pa umanong ina-appoint na bagong chairman ng FDCP ang Malacañang at pansamantalang papalit as OIC ang division manager na si Rica Arevalo.

“Rica Arevalo is the appointed OIC while waiting for the new chairman that will be appointed by the President. Tirso’s resignation is effective March 1, 2024,” tweet ni MJ.

Matatandaang na-appoint si Tirso as FDCP chair noong July 2022. Pinalitan niya ang aktres na si Liza Diño-Seguerra na naglingkod naman mula 2016-2022.

Sa ngayon ay wala pang pormal na pahayag si Tirso o ang FDCP tungkol dito.

vuukle comment

JUDY ANN SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with