Kasalang Atom at Zen, inaasahang susunod kay Gretchen
Ikinasal na ang ex-PBB housemate (Celebrity Edition 1) at dating news reporter ng ABS-CBN, dating 1st Class Airwoman ng Philippine Air Force na si Gretchen Malalad sa kanyang longtime partner, ang French businessman na si Jean-Marc Hauducoeur.
Ito’y ginanap sa Alon Garden and Sagana Ballroom ng Punta Bunga Beach Resort in Boracay nung nakaraang January 24, 2024. The intimate wedding ceremony was attended by Gretchen’s former colleagues sa ABS-CBN tulad ng rumored sweethearts na sina Atom Araullo at Zen Hernandez (who served as Groomsman and Bridesmaid), Jeff Canoy as an unusual Flower Guy (instead of the traditional Flower Girl). Naroon rin ang iba pa nilang mga kasamahan sa ABS-CBN News & Public Affairs tulad nina Niko Baua, Adrian Ayalin, Pia Gutierrez, at iba pa.
Nakaka-amaze ang credentials ni Gretchen na nagtapos ng Communication Arts sa University of Santo Tomas and took her masters in journalism sa Columbia Graduate School in New York City nung 2014.
Si Gretchen ay award-winning athlete, dating beauty contestant ng Bb. Pilipinas in 2003 kung saan siya nakapag-uwi ng Miss Talent, Karatedo black belter, fitness teacher, animal rights advocate kung saan nakapag-uwi rin siya ng iba’t ibang medalya for the Philippines mula sa 2001, 2003, and 2005 Southeast Asian Games bukod pa sa iba pa niyang achievements.
Hinihintay na ngayong mag-propose si Atom kay Zen na matagal-tagal na rin ang relasyon pero hindi masyadong nilalantad.
Pelikula ni Imelda, iniba ang title
Imelda Papin: The Untold Story na ang titulo ng maiden movie project bagong film producer na tinagurian ding Jukebox Queen, businesswoman, at dating CamSur vice-governor na si Imelda Papin. Ang nasabing pelikula ay pinagbibidahan ni Claudine Barretto who plays Imelda Papin in the movie na naglalahad ng buhay ng singer-performer, hitmaker, OPM icon from Camarines Sur. Kasama rin sa movie sina E.R. Ejercito, Alice Dixson, Gary Estrada, Maffi Papin among others na pinamahalaan ni Gabby Ramos.
Although hindi pa naipapalabas ang pelikula sa mga sinehan, nagkaroon na ito ng iba’t ibang successful block screenings sa SM Megamall (in two full-house theaters), Bicol at iba pang lugar habang pina-finalize na rin ang screening ng movie sa iba’t ibang bansa including, America, Italy, Australia, Japan, Canada, at iba pa.
Sa recent visit sa Pilipinas ng successful businessman at tinaguriang `Godfather of Filipino Celebrities’ in Los Angeles, Californina na si Geoffrey Jimenez, nagkaroon ng kasunduan sa pagitan ng Queenstar Film Production ni Imelda at Worldwide Media Entertainment ni Geoffrey para sa distribution ng pelikula sa Amerika particularly in Los Angeles, California kung saan naka-base ang Filipino businessman na nagma-may-ari ng iba’t ibang mga negosyo hindi lamang sa Amerika kundi maging dito sa Pilipinas including a new resort na kanyang ipinaaayos ngayon in Bambang, Laguna.
Matagal nang magkaibigan sina Imelda at Geoffrey who recently got reconnected na nauwi sa kanilang bagong joint business venture.
Mga anak ni Jaclyn nagpasalamat sa mga nakiramay!
Nakahabol ang nakababatang half-brother ni Andi Garcia (sa mother side) na si Gwen Garimond Guck Ilagan sa wake ng kanilang ina, ang award-winning actress na si Jaclyn Jose sa Arlington Memorial Chapels in Quezon City last Saturday, March 9 maging sa inurnment kinabukasan, March 10 sa The Garden of the Divine Word Columbary in Quezon City.
Galing Amerika si Gwen.
Although ipinagluluksa pa rin nilang magkapatid ang maagang pagyao ng kanilang ina, nagpapasalamat pa rin sila sa outpouring support at pagmamahal na ipinakita ng lahat laluna ng mga kasamahan sa industriya ni Jacklyn during the 6-day wake at Arlington Memorial Chapels in Quezon City.
- Latest