^

Pang Movies

Sarah, maraming takot sa pagbubuntis

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Sarah, maraming takot sa pagbubuntis
Sarah Geronimo
STAR/ File

Pinatitigil na pala ni Sarah Geronimo ang mister na si Matteo Guidicelli sa pagmo-motor.

Ani Popstar Royalty sa latest vlog ni Dra. Vicki Belo, risk taker daw kasi talaga ang kanyang hubby.

 Sey naman ni Dra. Vicki, “ibang klase ang asawa mo, ‘no? Kung anu-ano ang pinapasukan. Hindi ka ba natatakot? Kung anu-ano ang pinaggagawa niya.”

Sagot naman ni Popstar Royalty, “Scout ranger siya, tapos nag-aano siya, nag-e-airborne rin siya, sky diving.”

Tanong ng celebrity doctor, “do you get worried when he does things like that?”
abi naman ni Popstar, “ngayon, hindi pa siya umuulit.”

 Dagdag pa niya, “kasi meron silang parang Iron Man sa pagmo-motor, eh, 24 hours ‘yun, eh. Ikaw ba naman mag-motor ka ng 24 hours,” sabay-tawa.

 Natanong din kay Sarah ang ipinapagawang bagong bahay nila ni Matteo at aniya, hopefully by September ay makatira na sila rito. Ito na raw ang dream house nila at ang request lang daw niya talaga ay spacious na kitchen.

Kasi du’n sa nire-rent namin, medyo maliit lang po siya, eh. Eh ang kulit ko po sa kusina. Nagkakabungguan kami ni Matt do’n, ganyan,” tsika ni Sarah.

Tungkol naman sa pagbe-baby, ayon kay Popstar ay kung ibibigay raw ni Lord although aminado siyang may fears din siya.

Tinanong ni Dra. Vicki kung ano ang mga fears niya at aniya, “marami, dok. Siyempre (I need to be) equipped to be a mother. Open book naman sa mga tao na late bloomer po ako and ayun, medyo may mga doubts pero kung ibibigay ni Lord, if it’s really His will, then…”

Kung ilan ang gusto niyang anak, aniya ay bahala na raw basta ‘wag lang umabot sa lima.“Hindi ko kaya ang five (kids),” natatawa niyang sabi. “Sana, 2,” dagdag pa niya.

Alden, naulila ulit sa nanay

“Naulila na naman po ako ulit,” umiiyak na wika ni Alden Richards sa kanyang eulogy sa huling gabi ng burol ng yumaong multi-awarded actress na si Jaclyn Jose last Friday night.
Parang ina na rin kasi ang turing niya sa pumanaw na aktres na nakasama niya sa mga teleserye niyang Ilustrado at The World Between Us.

 Kaya naman ramdam na ramdam din niya ang pain ng anak ni Jaclyn na si Andi Eigenmann.

 “So, parang ang dating, ‘yung nararamdaman ko po ngayon is the same feeling I felt when my mom left us. Parang bumalik,” emosyonal niyang sabi. Pangalawang beses na itong pagpunta ni Alden sa wake.

“Immediately I went here noong inaayos pa lang wake. Hindi ako umalis hanggang ‘di ko nakita urn. That was a good three hours, I was not sure if I am going to make it another night. But God willing, I was able to say my piece tonight,” pahayag naman ni Alden sa panayam ng ABS-CBN.

 

vuukle comment

MATTEO

SARAH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with