^

Pang Movies

Dennis, nagma-manifest na maalala ng mga anak

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Dennis, nagma-manifest na maalala ng mga anak
Luis, Diane at Dennis

Sixty-two-year-old actor-comedian Dennis Padilla has seven biological children sa tatlong magkakaibang babae – ang dating actress na si Monica Gatus at Marjorie Barretto at ang Fil-Australian non-showbiz girl na si Linda Gorton na hiwalay siya.

Dalawa ang anak niya sa kanyang unang wife na si Monina Gatus – sina Diane at Luis.  Tatlo naman ang anak ng anak comedian sa kanyang second wife na si Marjorie Barretto – sina Julia, Claudia at Leon.  Dalawa naman sa Fil-Australian na si Linda Gorton na sina Gavin at Maddie.

Kung si Dennis lamang ang masusunod ay gusto niyang maging close sa isa’t isa ang kanyang pitong anak dahil sila’y magkakapatid pero sa ngayon ay tila imposible itong mangyari.

Open ang kanyang communication niya sa ibang mga anak, pero kulang na lamang siyang mag-beg sa kanyang tatlong anak kay Marjorie na sina Julia, Claudia at Leon na tatlong taon na umano niyang hindi nakikita at nakakausap man lamang.  Pero kahit paano ay natutuwa si Dennis dahil naalaala siyang batiin ni Julia nung nakaraang niyang birthday (his 62nd) nung nakaraang Feb. 9.

“Malaking bagay `yung naalaala kang batiin ng anak mo,” anya.

Sa kabila ng masalimuot nilang relasyon, hangad niya ang kanilang tagumpay sa kanilang respective lives. “Sana lang ay maalaala nila ako palagi,” asam pa niya.

Coco at Jaclyn, sa masahista nag-umpisa ang closeness

Ang pakiramdam ni Coco Martin ay nawalan siya ng ina sa showbiz sa pagpanaw ng kanyang itinuturing na nanay-nanayan, ang award-winning veteran actress na si Jaclyn Jose na pumanaw nung umaga ng March 2 sa tahanan nito dahil sa sakit sa puso. She was 60.

Unang nakatrabaho ni Coco si Jaclyn in 2005 sa kanyang first indie movie na Masahista na pinamahalaan ng premyadong director na si Brillante Mendoza. Ito’y nasundan ng Serbis (Service) in 2008 kung saan nila kabituin si Gina Pareño mula pa rin sa direksyon ni Brillante Mendoza.

Nagkasama rin ang dalawa sa 2022 Metro Manila Film Festival movie na Apag na andun din sina Lito Lapid at Gladys Reyes na siyang tinanghal na Best Actress sa 2022 Gabi ng Parangal.

Si Coco ang naglagay kay Jaclyn sa kanyang tumatakbong hit primetime action-drama series na FPJ’s Batang Quiapo where she played the role of Dolores Espinas, isang corrupt police officer.

Last movie ni Jaclyn na naipalabas ay ang Broken Hearts Trip. May dalawa o tatlo pa siyang pelikulang tinapos na hindi pa naipapalabas sa mga sinehan at kasama na rito ang Sigaw sa Magdamag ni Joey Romero. May ginawa rin siyang serye with Jericho Rosales, ang Sellbllock.

Maine at Ria, binabantayan ang pagbubuntis!

Sino kaya kina Maine Mendoza at Ria Atayde ang makakapagbigay ng unang apo sa mag-asawang Sylvia Sanchez at Art Atayde?

Sa birthday presentation ni Maine Mendoza sa Eat Bulaga on TV5 last Saturday ay isa ang kanyang father-in-law na si Art Atayde sa bumati sa kanya sabay hirit ng apo. Sina Maine at mister nitong actor-politician na si Arjo Atayde ay nakatakdang mag-celebrate ng kanilang unang wedding anniversary sa darating na July 28.

Si Ria naman ay engaged na sa kanyang nobyong actor na si Zanjoe Marudo at malamang magpakasal na either this year o sa isang taon.

vuukle comment

DENNIS PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with