^

Pang Movies

BF ni Selena Gomez, na-bash sa pagluwa sa paboritong pagkain ng mga Pinoy

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
BF ni Selena Gomez, na-bash sa pagluwa sa paboritong pagkain ng mga Pinoy
Benny Blanco

Katakut-takot na bashing ang tinatanggap ngayon ng boyfriend ng American singer-songwriter, actress and entrepreneur na si Selena Gomez (31), ang American record producer na si Benny Blanco (35) sa ginawa nitong pambabastos at paglapastangan sa itinuturing na No. 1 Filipino food chain, ang Jollibee sa kanyang Twitter.

In his latest tweet ay pinili ng nobyo ni Selena ang Jollibee chickenjoy, spaghetti at pineapple juice na i-feature. Nagustuhan niya ang chickenjoy na kanyang isinawsaw sa gravy at sinubukan pa niya itong isawsaw sa pineapple juice.

Pero pagdating sa spaghetti nang hindi niya ito magustuhan ay iniluwa niya ito sa tray mismo na puno ng Jollibee  spaghetti at hindi man lamang niya iniluwa sa tissue o ‘di kaya sa basurahan na nasa kanyang likuran lamang. 

It was a blatant act of disrespect hindi lamang sa kultura ng mga Pinoy kundi napaka-offensive ng kanyang ginawa.

Dahil dito, ginang up siya ng mga Pinoy laluna ng Jollibee lovers at maging ng ibang nationalities dahil sa ipinakita niyang kabastusan. Marami pa nga ang nagsabi na hiwalayan na ito ni Selena dahil bastos umano ito.

It was only last December nang aminin ng ex-girlfriend ni Justin Bieber ang relasyon nila ni Benny.

Sarah, ‘di napilit na magsalita sa hiwalayan nila ni Richard

Marami ang nagtataka kung bakit hindi nakarating si Maine Mendoza sa big night ng Bingo Plus Night 2024 na ginanap sa ballroom ng Grand Hyatt Hotel in Bonifacio Global City in Taguig nung nakaraang Biyernes ng gabi, March 1. 

Sina Maine at Piolo Pascual ang brand ambassadors ng Bingo Plus kaya hinanap ang tinaguriang ‘phenomenal star’ sa star-studded celebration na dinaluhan mismo nina Piolo, Vice Ganda, Alden Richards, Robi Domingo (who hosted the program), Heaven Peralejo, Marco Gallo, Sarah Lahbati, Regine Tolentino, Mark Bautista, Arthur Neri at marami pang iba.

Samantala, bago nagsimula ang programa, na-corner si Sarah Lahbati ni MJ Felipe (ng TV Patrol) na hindi nakaiwas sa tanong sa kanya ng entertainment TV reporter na may kinalaman sa hiwalayan nila ng kanyang ex-husband, ang Kapamilya actor na si Richard Gutierrez. Right there and then ay kinumpirma ni Sarah na hiwalay na nga sila ng ama ng magkapatid na Zion at Kai Gutierrez pero hindi na nag-elaborate pa ang Viva star sa tunay na dahilan ng kanilang paghihiwalay.

 

vuukle comment

BENNY BLANCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with