^

Pang Movies

Pura Luka, mas malaki ang kailangang pampiyansa!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Dinampot na naman ang baklang si Pura Vega Luka sa kanyang bahay sa Santa Cruz, dahil sa isang warrant na pinalalabas naman ng QC RTC branch 306 sa pamamagitan ni Judge Dolly Rose Prado, may kinalaman sa 3 counts of immoral doctrines, indecent publications and indecent shows.

Iyan ay may kinalaman din diumano sa pambabastos niya sa dasal na Ama Namin.

Hindi lang maliwanag sa amin kung sino ang nagsampa ng kaso sa QC RTC dahil hindi naman sinabi sa mga balita at hindi kasali ang QC sa mga lungsod na nagdeklara sa kanyang persona non-grata dahil sa ginawa niyang iyon.

Sa utos na pinalabas ng QC RTC nagtakda ang korte ng piyansang P360,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan. Dahil persona non-grata na siya sa kung saan-saan bihira na siyang makapag-perform bilang drag artist at marami na rin ang takot na kunin siya.

Ngayon mukhang magtatagal ang pagkakabalolang niya sa City Jail. 

Cassy, napahamak sa paggamit ng bibliya sa pagsayaw

Hindi pa natatapos si Pura Vega Luka, nasundan naman ni Cassy Legaspi na nagsasayaw tapos ipinakita na ang ipinapagwaswasan niyang libro sa kanyang pagsasayaw ay ang Banal na Bibliya.

Ang dami ring nag-react, inulan siya ng batikos sa social media, pati mga magulang niya nadamay pa dahil sa hindi raw tamang pagpapalaki sa kanilang anak.

Pero ang tanong namin sino nga kaya ang nagbigay ng ideya kay Cassy Legaspi na gawing props sa kanyang sayaw ang Bibliya?

Mukhang marami siyang maling diskarte eh ano na ang nangyari sa love team nila ni Darren Espanto matapos ang When I Met You in Tokyo, asang-asa pa naman ang mga kasama nila na sila ang susunod na sisikat na love team lalo na nga’t nawala na ang KathNiel ganundin ang LizQuen.

Pero parang bula lang na nakaput ang love team nina Darren at Cassy.

Nanakaw na undies ni JK, for sale sa online!

Natawa kami sa tsismis na si JK Labajo raw ay ninakawan ng underwear, tapos nakita niya ang isang post sa FB na ibinebenta online.

Talo siya ng isang male starlet na gumawa pa ng isang self sex video, at tapos ay siya ang nagbenta ng suot niyang underwear na “ipinampunas pa niya” sa video.

Na iyong P300 na underwear naibenta pa niya ng isang libo kasama siyempre ang video bilang ebidensiya na iyon nga iyon.

Totoo palang may mga collector na ng used underwear ngayon.

CASSY LEGASPI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with