^

Pang Movies

‘Di nag-uusap!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Pinagpipistahan ngayon ang pahayag ng management ni Sam Milby na may pi­nagdaraanang problema sila ng girlfriend na si Catriona Gray.

Humihingi raw ng privacy ang dalawa sa kasalukuyan. Kung anumang problema nila, walang detalyeng sinabi, huh!

After Kathryn Bernardo-Daniel Padilla break, sinundan ito ng Kim Chui-Xian Lim breakup at ang Bea Alonzo at Dominic Roque ang latest.

Umugong ang issue na hiwalay na sina Sam at Catriona nitong nakaraang mga araw hanggang sumabog na.

Ang wala pang kumpirmasyon sa hiwalayan ay sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati. Basta si Chard, week well spent ang sinabi nang makasama ang mga anak nina Zion at Kai. Si Sarah naman, may pahayag sa reports na not on speaking terms with husband, Chard.

So who’s next, Salve A? Marami kang alam, ‘di ba? Hahaha!

Walk of fame, binuhay ng anak ni Kuya Germs

Binuhay muli nina Harlene Bautista at Federico Moreno ang Walk of Fame sa Eastwood City na project ng yumaong Master Showman na si German Moreno o Kuya Germs.

Napili na ang inductees para sa March 6 launch nito sa iba’t ibang larangan sa news, radio, television, movies, social media at theater.

Isa si Lhar Santiago ng 24 Oras sa inductees at makakasama niya ang bibigyan ng Walk of Fame sina Donny Pangilinan, Belle Mariano, Atty. Felipe Gozon, Baron Geisler, Rivermaya, Richard Yap at marami pang iba.

Congratulations!

vuukle comment

SAM MILBY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with