^

Pang Movies

Heart at Chiz, kinalimutan na ang mga pinagdaanan!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Naging maayos ang pagpapanibagong sumpaan sa kasal ng aktres na si Heart Evangelista at Senador Chiz Escudero sa Balesin kahapon ng hapon.

Doon din sila unang ikinasal siyam na taon na ang nakararaan. Pero hindi kagaya noong una na nag-boycott sa kasal ang pamilya ni Heart, sa pagkakataong ito ay inihatid siya sa altar ng kanyang inang si Cecille Ongpauco. Hindi rin nakadalo ang kanyang amang si Rey Ongpauco na kasalukuyang daw nasa US pa at nagpapagamot.

Hindi nagpunta ang sino man sa pamilya ni Heart sa unang kasal nila dahil hindi sila pabor sa senador. Pero sa pagdaraan naman ng panahon ay napatunayan ni Senador Chiz na kaya niyang pangalagaan nang tama si Heart. Kaya naman maayos na ang kanilang pagsasamahan bago pa man naisip ang renewal of vows nila.

Noong nakaraang taon din ay kung anu-anong hindi magagandang tsismis ang kumalat na diumano ay maghihiwalay na sila, na naayos naman daw.

Ngayon ay inilagay nila sa tama ang lahat upang kalimutan kung ano man ang hindi magandang karanasan sa nakaraan.

Ang mga ganyang personalidad ang masasabi mong talagang gustong ilagay sa ayos ang kanilang buhay

Kim, mas bagay sa walang anak

Maraming nakakita kay Xian Lim na masayang-masaya sa isang okasyon na kasama ng isang babaeng kinilala nilang si Iris Lee.

Ang tanong nga nila ay napalitan na ba agad ni Xian si Kim Chiu matapos silang mag-split?

Iyon naman kayang ipinalit niya kay Kim ay nakahandang maghintay sa kanya ng mahabang panahon, dahil sinabi niyang hindi pa siya puwedeng mag-asawa habang buhay pa ang lolo at lola niya.

Ano naman kaya ang nararamdaman ni Kim ngayong tila napakabilis niyang napalitan?

Pero sabi naman nila mabait na bata si Kim kaya siguro naman ay may matatagpuan din siyang jowa pero ‘wag naman muna si Paulo Avelino.

Hanap sana siya ng single.

Male starlet, bulgaran ang relasyon sa matrona!

Namataan ng isa naming source ang male starlet, kasama ang isang matandang babae na pakiwari ng source ay maaari na rin niyang maging lola.

Pero hindi maaaring lola kasi kung maglakad silang dalawa ay magka-holding hands pa at hindi miminsang hinalikan ng male starlet ang matrona habang sila ay nakaupo sa isang bench at naghihintay na mag-boarding ng kanilang eroplano pabalik sa Pilipinas.

Mukha raw proud si lola habang hinahalikan siya ng male starlet na pogi naman at bata pa in public ha.

Madatung daw ang matrona dahil parehong business class ang ticket nila ng male starlet, na hindi na magkandatuto sa pagdadala ng kanyang pinamili sa Hong Kong.

Hindi kami magtataka dahil ang male starlet na iyan ay naging kulukadidang din ng isang bading na 70 years old na. Mukhang mas madaling bolahin ang mga matatanda kaya gusto sila ng male starlet.

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with