^

Pang Movies

Bea, napapasama sa mga ‘paninira’ kay Dominic!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Bea, napapasama sa mga �paninira� kay Dominic!
Dominic

Minsan nakakatawa na talaga ang vlogs.

Akala mo may napakalaki silang mga balita, iyon pala ang sasabihin lang nila ay kung ano ang nakuha nila sa vlog ng iba. Minsan nga nahahalata mong nagbabasa lang sila ng diyaryo at pinalalabas na sa kanila iyong balita. Maraming ulit na naming narinig ang isang babaeng vlogger na binabasa lamang word for word ang aming sinulat sa aming column dito. Ang kaibahan nga lang, sinusulat namin iyon ng Tagalog pero basta binabasa niya Bisaya na.

Halimbawa pinakikialaman nila ang pagtira ni Dominic Roque sa isang high-end condominium na hindi naman daw siya ang may-ari. Kung ang condo ay inuupahan lamang niya, o may nagpapatira man sa kanya roon nang libre, o kung iyon ay ibinigay sa kanya ng kahit na sino mang pilato, eh ano nga ba ang pakialam ninyo?

Noong una, sinasabi na may negosyo raw si Dominic Roque pero hindi naman sinasabi kung ano. Tapos naman ang tsismis ngayon mayroon nga raw iyong ilang gasolinahan, at pinagbibintangan pang bigay raw ng isang bakla?

At saka kung papaano man nagkaroon ng gasolinahan ni Dominic, problema pa ba ninyo iyon?

Ang nakakatawa pa nilang tsismis, dahil sa totoo raw ay mas mayaman talaga si Bea Alonzo kaysa kay Dominic, iyong dates daw nila o mga trip sa abroad, gastos lahat ni Bea.

Hindi ba nila naisip na mukhang mas sumama ang image ni Bea dahil sa kanilang pinagsasabi?

Finally, they came into terms, naglabas ng joint statement sina Bea at Dominic, ibig sabihin hindi naman pala sila nagkaroon ng away.

Ang sabi, they have mutually decided to call it quits.

Ganun. Pero ayaw pa rin nilang paniwalaan.

Aga, mas pinuri sa movie nila ni Julia!

Nag-uusap ang isang grupo ng mga cougar na mukhang kalalabas lang sa panonood ng sine nang libre dahil araw ng mga senior.

At ang pinag-uusapan nila ay si Aga Muhlach. Magaling daw na umarte talaga si Aga sa pelikula nila ni Julia Barretto, at hanggang ngayon ay pogi pa rin, kaya lang tumaba. Hindi raw kagaya ni Gabby Concepcion na na-maintain ang ayos ng katawan kaya kahit na mas matanda ay mukhang bata pa rin.

Aminado naman si Aga na talagang tumaba siya, kasi nga kulang na sa exercise. Hindi na kasi siya iyong naghahabol ng projects at lumalabas na lang kung kailangan. Nagpupunta rin naman siya sa gym at nagdi-diet din naman pero minsan hindi na maabot talaga ang tamang timbang para sa kanya.

Ngayon ay medyo pumayat na siya.

Sana nga ay ituloy na niya ang pagpapapayat.

Male starlet, nakipagrelasyon sa indie director para magkaserye

Talaga bang ang kalakaran ngayon ay kailangang pumatol ang mga artistang lalaki sa direktor, o producer na bading para sila magkaroon ng role at makuhang artista?

Pero sa totoo lang maraming mga artistang lalaki ang hindi naman nagsimula sa ganyan.

Ngayon ganyan din daw ang ginagawa ng isang male starlet. Nagsimula siyang mapansin dahil sa social media, at naging influencer din pagkatapos.

Para masunod niya ang luho at mas makaangat, kumabit din siya sa mga bakla.

Sa rami ng pinatulan niyang bakla nakilala niya ang isang direktor ng gay series, isinama naman siya sa mga mahahalay na palabas noon.

Dahil may hitsura man ay kapos naman sa talent, talagang supoporting roles lamang ang nakukuha niya kahit na sa mga indie.

Hanggang isang araw, naging syota naman siya ng direktor ng indie, ginawa na siyang bida. Ipinasok na rin siya sa TV shows pero hindi pa naman siya sumisikat.

Pero ano kaya kung sumikat siya at ilabas ng mga bading na nakasama niya noon ang lahat ng mga sex scandal na kanyang ginawa? May pag-asa pa kaya siyang sumikat?

vuukle comment

AGA MUHLACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with