Sylvia, atat na sa apo kina Ria at Maine!
Sabik na sabik na talaga si Sylvia Sanchez na magkaroon ng apo at hanggang ngayon ay naghihintay pa rin siya na may mag-announce sa kanya na magkakaapo na siya.
“Wala pa namang lumalapit sa akin at sabihin sa aking ‘mama, magkakaapo ka na,’” sey ni Sylvia kahapon nang makatsikahan namin siya sa thanksgiving event and Chinese New Year Celebration ng Beautederm.
Siyempre, ang announcement na hinihintay niya ay mangggagaling sa mag-asawang Arjo Atayde and Maine Mendoza.
Pero hindi naman daw niya pine-pressure ang mag-asawa sa pagkakaroon ng baby.
“Buhay nila ‘yun, eh. Gusto ko, mag-enjoy sila. Gusto ko kasing magkaapo ako or magkaanak ang mga anak na ready na sila, alam mo ‘yun?” sabi pa ni Ibyang.
Pero kasama rin daw ang anak niyang babae na si Ria Atayde sa kanyang hinihingan ng apo at hindi lang si Maine.
“Silang dalawa, pati si Maine,” sey niya.
Ang sagot lang daw ni Ria sa kanya ay “mama, chill lang.”
Natanong nga rin si Ibyang kung may plano na bang pakasal sina Ria at boyfriend nitong si Zanjoe Marudo.
“Hindi ko alam kay Zanjoe, si Zanjoe ‘yan, eh. Sa kanya ‘yun, wala sa akin ‘yun,” she said.
Siyempre, hindi raw niya pangungunahan ang aktor at hihintayin na lang daw niya ang mga plano nito at ni Ria.
“Hindi ko para pangunahan si Zanjoe, maghihintay ako kung ano ang gusto nilang dalawa. Sila ‘yan, eh.
“Dahil nanay ako, magiging mother-in-law o anuman, wala, ayokong pakialaman, ayokong pasukin ‘yung relasyon nila, bahala silang dalawa diyan,” sabi ni Ibyang.
As for Arjo naman, kinumpirma ni Ibyang na tatakbo ito sa next election bilang re-electionist. Kasalukuyang Representive si Arjo ng 1st district ng Quezon City.
Carla, sinagot ang mga ‘mean’
Itinanggi ni Carla Abellana ang mga akusasyon tungkol sa kanyang mga ibinebentang pre-loved items.
Nagsalita ang aktres sa panayam sa 24 Oras at nilinaw ang mga akusasyong mataas ang presyo at dugyot umano ang kanyang mga items.
Aniya, mas mababa raw ang presyo ng kanyang mga ibinebentang items kaysa sa original price nito.
Tila nasaktan si Carla sa mga panlalait ng netizens kaya post niya sa Threads, “People can be so mean. So mean.”
Dito ay nag-reply ang isang netizen ng “well you are selling very pricey pre-loved items na di manlang napunasan at nalinisan and you expect people to not raise an eyebrow? nanggigitata yung shoes ante. yung bag maalikabok...” na sinagot niya ng “May choice naman po kayong hindi bumili.”
May isa ring netizen ang nagsabi ng “Mhie! Paano naman kasi, yung miu miu sandals mo nanggigitata sa dumi. Tapos nabili mo lang ng mura at ibebenta mo ng mahal. Dugot ka gurl?” na binuweltahan din ng Stolen Life actress ng “Nabili ng mura? Paano po kayo nakasisiguro?”
Matatandaang nagsagawa ng online selling ang aktres sa isa niyang Instagram page kung saan ay ibinebenta niya ang kanyang mga pre-loved and brand new stuff.
Pero dinumog nga ito ng bashers at sinabing ‘overpriced’ ang items at hindi na raw maayos ang kondisyon.
- Latest