Janice, hindi kahit kailan na-late
Bilang beterana na sa showbiz, sinabi ni Janice de Belen na ang mahalagang aral na kanyang natutunan sa pagiging aktres ay ang pagrespeto sa oras ng iba.
“Discipline. Listening. And coming on time. Medyo OA ako pagdating sa time. Kahit na noong bata ako, my 8 a.m. on the set will always be 7:30. There are times naging 7 o’clock pa ‘yan. Kasi takot na takot akong ma-late,” sabi pa ni Janice.
Ayon sa aktres, kawalan ng galang sa ibang tao ang pagiging late.
“Because for me, the biggest disrespect to another person is when you don’t show up on time.”
Binalikan ni Janice ang pinagbidahan niyang drama series na Flordeluna noong 1980s, at nakaribal din ang pumanaw na aktres na si Julie Vega.
Pag-reveal ni Janice, si Julie pala dapat ang gaganap na bida ng Flordeluna at siya ‘yung dapat ang kontrabida na si Wilma.
Pero hindi raw natuloy si Julie as Flordeluna sa RPN 9 dahil kinuha siya para maging bida sa Anna Liza sa GMA 7. Kaya kay Janice na raw binigay ang bida role.
Masuwerte rin si Janice dahil nakatrabaho ang mga mahuhusay na batikang direktor na nagsipanaw na tulad nila Lino Brocka, Ishmael Bernal, Danny Zialcita, Maryo J. delos Reyes, Mel Chionglo, at Peque Gallaga.
“I was lucky to have worked with them. Yung mga bagong henerasyon ng artista ngayon, they will never get that chance dahil wala na sila.”
Kapuso nakatanggap ng commendation sa pagpo-promote ng Japanese pop
Nakatanggap ang GMA Network ng certificate of commendation mula sa Japanese Embassy para sa kontribusyon nito sa pagpo-promote ng Japanese pop culture sa Pilipinas at sa patuloy na papapalalim ng Philippines at Japan relations.
Galing kay Ambassador of Japan to the Philippines Kazuhiko Koshikawa ang parangal at inihandog ito ni Embassy of Japan in the Philippines Deputy Chief of Mission, Kenichi Matsuda sa GMA Network sa opening ceremony ng Japanese Film Festival PH 2024.
Present dito sina GMA Entertainment Group Vice President for Drama Cheryl Ching-Sy, Voltes V: Legacy stars Radson Flores at Matt Lozano, at series director Mark Reyes.
Nakatakda na ring maipalabas sa Japan ang Voltes V: Legacy: The Cinematic Experience.
“It just goes to prove that until now we are being appreciated. Beyond the Filipinos, we are appreciated particularly by the Japanese. They are very excited to see the cinematic version, the cinematic experience, to be aired in Japan, in Japanese. That is being worked on,” ayon kay Direk Mark.
- Latest