Cedrick, inisnab sa Amerika!
Nasa kalagitnaan kami ng therapy session nang makatanggap kami ng message mula kay Jeannie Wong, isang Vilmanian na based sa US, at masayang ibinalita nga sa amin na nanalo nga raw best actress si Ate Vi (Vilma Santos) sa Manila International Film Festival na ginanap sa Los Angeles, California.
Pero hindi nila pinansin ang acting ni Cedrick Juan sa GomBurZa na siyang nanalo sa Metro Manila Film Festival Gabi Ng Parangal dahil hindi siya kilala bilang isang aktor sa US.
At ang nanalong best actor - tie sina Dingdong Dantes and Piolo Pascual.
Mabilis namang nag-post ng isang video si Ate Vi na nagpapasalamat sa mga bumuo ng MIFF at higit sa lahat sa kanyang US fans na nagpkita ng lakas ng kanilang suporta sa kanyang pelikula.
Si Boyet de Leon na leading man at associate director din ni Ate Vi ang siyang tumanggap ng award para sa kanya.
Nasaan ngayon ang mga nagsabi na nanalo lang daw si Ate Vi sa MMFF pero sa abroad ay hindi na mananalo eh unanimous decision nga raw ang panalo niya roon kagaya rin dito.
ABS-CBN exec Deo Endrinal, pumanaw sa cancer
Nagising kami sa tawag ng kasamahan sa panulat na si Jeff Fernando, mga alas-diyes na ng gabi.
Bad news ang dala niya dahil pumanaw na raw ang ABS-CBN executive na si Deo Endrinal.
Nalaman namin later on mula kay Chit Guerrero na dati ring mataas na opisyal ng ABS-CBN na cancer pala ang ikinamatay ni Deo.
Hindi naman daw masasabing bigla dahil labas-pasok na siya sa ospital noon pang December hindi lang nila isinasapubliko ang sitwasyon.
Ayaw rin siguro ni Deo na malaman ng mga kasamahan nila sa ABS-CBN dahil maaaring ma-depress na lalo ang kanilang mga tauhan, na naging loyal sa kanila kahit na wala silang prangkisa, at lalo pa kung malalaman nila na may malubhang sakit ang kanilang lider.
Si Deo ay 60 years old lamang nang pumanaw dahil sa sakit na cancer.
Nalaman na pala niya ang kanyang kalagayan noong Oktubre pa noong nakaraang taon pero minabuti niyang hindi ipaalam iyon sa iba, hanggang sa naglabas-pasok nga siya sa ospital noon pang December.
May he rest in peace.
- Latest