^

Pang Movies

Nasa entourage sana...Piolo, absent sa kasal ni Benjamin

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Nasa entourage sana...Piolo, absent sa kasal ni Benjamin
Benjamin Alves at Chelsea Robato

Kinasal na si Benjamin Alves sa kanyang fiancee na si Chelsea Robato noong nakaraang January 28 sa Santuario de San Antonio Parish in Forbes Park, Makati City.

Suot ng bride and groom ang creations ni Francis Libiran. Kabilang sa mga principal sponsors ay sina Miss Universe Philippines Organization’s Creative Director Jonas Gaffud; GMA’s Senior Vice President for Programming, Talent Management, Worldwide, and Support Group, President and CEO of GMA Films, Atty. Annette Gozon-Valdes.

Present din sa wedding sina Yael Yuzon, Solenn Heussaff and Carla Abellana. Maraming naghanap sa Tito Piolo (Pascual) ni Benjamin dahil kasama ito sa wedding entourage pero hindi raw ito nakarating.

Taong 2019 noong magkaroon ng relasyon ang dalawa. Nag-propose si Benjamin kay Chelsea December 2022.

Sexy ang prenuptial photoshoot nila na kinunan sa isang mamahaling resort sa El Nido, Palawan. Pinakita ni Chelsea ang kanyang sexy figure samantalang pinaglaway ni Benjamin ang mga accla dahil sa kanyang matitigas na 6-pack abs.

Bago sumapit ang wedding day, um-attend pa si Benjamin ng story conference para sa upcoming murder-mystery drama ng GMA na Widows’ War kung saan bida sina Bea Alonzo, Carla Abellana and Jean Garcia.

Pinoy actor, kauna-unahan sa Chicago Broadway musical

Ang Filipino theater actor na si Red Concepcion ang kauna-unahang Filipino actor na gumanap bilang Amos Hart sa Broadway musical na Chicago.

Nag-debut na on Broadway si Red noong January 15 sa Ambassador Theater in New York City.

“Of course, there’s that adrenaline of like being on stage for the first time, but it was like, I felt like my whole life had led to that moment... So all those years of being in theater in the Philippines, struggling through that, it’s like, oh, wow. I guess it felt like it paid off,” sey ng aktor na 26 years ng umaarte sa teatro.

Gumanap na bilang Engineer si Red sa Miss Saigon UK, Ireland and US tours. Noong July 2023 siya sumubok ng suwerte sa Big Apple. Muntik na niyang ‘di puntahan ang open call audition para sa musical na Chicago.

“That day, parang I was a little depressed. I didn’t want to go. So I was like dito na lang ako sa kama, ayoko magpunta sa audition. But I was like, no, no, you gotta go. You gotta go. You never know. That’s the job. A few weeks before Christmas, they were like we want to see you for a work session. So I did it and then maybe like three days before Christmas i got a call from my agent and they were like, oh yeah, you got it. It’s like, wow, Merry Christmas to us!”

Maraming Pinoy sa New York ang natuwa noong mapanood nila si Red sa Chicago. Muli raw kasing napatunayan ang husay ng Pinoy sa anumang role sa Broadway.

BENJAMIN ALVES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with