^

Pang Movies

Janice, nai-stress sa pagiging overthinker ni Kaila

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Janice, nai-stress sa pagiging overthinker ni Kaila
Kaila

Sa lahat ng mga papuring natatanggap ngayon ni Kaila Estrada, naka-monitor daw ang ina nitong si Janice de Belen kung paano ito tine-take ng anak.

Si Janice ang isa sa guest sa Luis Listens vlog ni Luis Manzano along with Gelli de Belen and Candy Pangilinan at isa nga sa napag-usapan nila ay si Kaila na talaga namang pinuri-puri ng lahat sa ipinakitang husay sa Linlang.

Sey ni Luis, “grabe nga si Kaila ngayon, huh?  She was talked of the town! Ang galing din niya.”

“I know,” sagot naman ni Janice. “You know, I’m waiting to see what she can still become.”

Tanong naman ni Luis, “how was it kung puwede mong i-share? Of course I don’t want you to speak on her behalf naman pero nu’ng sobrang napansin ‘yung acting niya nakuwento ba niya sa ‘yo or ikaw ba nag-bring up o inaantay mong siya ang mag-bring up.”

Sagot ng proud mom, “ako kasi nalalaman ko because of the reactions sa Twitter. Minsan may magte-text sa ‘yo na, ‘huy si ganito, so nakikita mo.”

Dagdag pa ni Janice, ino-observe lang niya kung paano tine-take ng kanyang anak ang feedbacks.

“Ako siya ‘yung inaabangan ko on how she will absorb all of these kasi si Kaila medyo may pagka-over thinker ‘yun. As in ini-stress niya ang sarili niya, ‘yung ‘baka hindi ganito o baka hindi ganyan.’ Napapagod din ako sa kanya, nai-stress din ako sa kanya,” sey ni Janice sabay-tawa.

Kaya pinayuhan daw niya ang anak na kalma lang at bawasan ang pagiging overthinker.

“So, lagi kong sinasabi sa kanya na ‘when you hear these things, be thankful at bawasan mo na ‘yung stress mo. You’re slowly proving yourself. I know it’s a long way ahead but you’re slowly proving yourself and while this is happening, bawasan mo na ‘yung pagka-overthinker mo kasi hindi makakatulong. It will keep stressing you more if you keep on over thinking,’” sabi ni Janice.

Anyway, hindi naman kataka-taka ang husay ni Kaila sa pag-arte dahil parehong napagaling din ng kanyang inang si Janice at amang si John Estrada.

Kathryn, enjoy sa single life

Ayon kay Kathryn Bernado, ang focus niya this year ay ang kanyang body fitness goals.

Ibinahagi ng aktres sa Instagram ang mga larawan niya habang tumatakbo wearing her running outfit .

“Note to self: Sweat. Smile. Hydrate. Focusing on achieving my fitness goals this year,” bahagi ng caption ni Kath.

Sa malas ay desidido na talaga ang aktres sa pagmu-move on mula sa breakup nila ni Daniel Padilla at mukhang ine-enjoy niya talaga ngayon ang single life.

Sa kanyang isa pang post ay ipinakita naman niya ang kanyang bikini body habang nasa beach. Hotness overload ang aktres sa kanyang suot na two piece swimsuit dahil pansin na pansin ang kanyang toned body with mathing abs. Caption naman niya rito, “arte.”

Matatandaang kinumpirma ng KathNiel ang kanilang breakup noong Nov. 30. 2023 after 11 long years of being in relationship.

vuukle comment

KAILA ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with