^

Pang Movies

Janno, binunyag ang naging sakit ng ama bago ang trahedya

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Janno, binunyag ang naging sakit ng ama bago ang trahedya
Janno at Ronaldo

Naitanong kay Janno Gibbs ni Jessica Soho sa kanyang exclusive interview sa Kapuso Mo, Jessica Soho, kung mayroon ba siyang napansin na palatandaan o pahiwatig mula sa amang si Ronaldo Valdez bago nangyari ang trahedya sa kanilang pamilya.

Kuwento ng singer-actor, nasa bahay siya nang mangyari ang insidente at nagpapahinga siya sa kanyang kuwarto.
Paliwanag ni Janno, mula nang maghiwalay ang kanyang mga magulang, nasa pangangalaga na niya ang kanyang ama.

Hinala niya, sinadya ng kanyang ama na natutulog siya, dahil kinatok pa siya nito sa kanyang kuwarto at tinanong tungkol sa kanyang lakad.

Sinagot umano niya ang ama na tuloy ang kanyang lakad pero iidlip lang muna siya sandali.

Pagkaraan lang ng ilang sandali, nangyari na ang hindi nila inaasahan.

“I think he made sure na I was sleeping,” ani Janno.

Mula noong nakaraang taon, ibinahagi ni Janno na biglang nagkaroon ng problema sa paglalakad ang kanyang ama. Nang lumalala ito, gumagamit na ito ng mobile wheelchair. Bagaman, kaya pa naman daw umakyat ng hagdan, sinabi ni Janno na mabagal na lang.

Ilang beses na rin umanong nagpatingin sa doktor ang kanyang ama na kanilang sinasamahan. Hanggang sa hikayatin na niya ito na mag-MRI para matukoy ang problema sa kanyang hirap sa paglalakad.

“Kasi ayaw niyang magpa-MRI takot ‘yon, parang nako-claustrophobic siya. He even walked out in one session. Until finally napilit ko siyang magpa-MRI. He was scheduled to be operated sa cervical spine but the days before it happened parang it just getting even worst,” ayon kay Janno

Kilalang mahilig mamasyal o lumabas umano si Ronaldo, pero sa nakalipas na mga araw bago ang trahedya, tumatanggi na umano ang kanyang ama na lumabas kapag inaaya niya. Idinadaing umano ng kanyang ama ang binti na tila lumalala ang problema.

Para sa isang tao na mahilig lumabas gaya ng kanyang ama, naniniwala si Janno na malaking isyu ang hindi na ito makapaglakad.

Hinala niya, baka hindi ‘yon matanggap ng kanyang ama, at ayaw rin ng kanyang ama na maging pabigat sa kanila.

Ayon pa sa singer-actor, wala siyang nakitang palatandaan na may gagawin sa kanyang sarili ang kanyang ama.

Kaya payo niya sa iba, maging mapagmatyag at mapagbantay sa kanilang mga kasama sa bahay.

Boss Toyo, inaming dating magnanakaw

Hindi ikinahihiya ng negosyante at vlogger na si Boss Tayo, o Jayson Luzadas, ang kanyang nakaraan na dati siyang pasaway, adik, snatcher, takaw-away at ampon.

Ikinuwento niya na 13-anyos siya nang malaman niyang ampon siya nang lapitan siya ng isang nagpakilalang kapatid niya habang nakatambay siya sa inuman.

Aminado siya na nakaapekto sa kanya ang pangyayari at nagrebelde siya lalo pa’t hindi pa niya alam noon ang tama at mali.

Ayon kay Jayson, nalulong siya sa ilegal na droga, nagbebenta ng mga gamit, nangungupit, at natutong magnakaw para matustusan ang kanyang bisyo.

Naging basagulero rin siya at ilang beses na nasaksak, naging snatcher at hindi nakapagtapos ng pag-aaral.

vuukle comment

JANNO GIBBS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with