Elisse nai-stress ‘pag tinatanong tungkol sa kasal“
MANILA, Philippines — ’Pag mga ganu’n, parang ano, nakaka-stress sagutin,” sagot ni Elisse Joson sa tanong kung nagbabalak na ba silang pakasal ni McCoy de Leon
“I think, darating din po tayo diyan. Like I said last year, we wanted to be quiet about our family, our relationship kasi we wanted to make it stronger, So, hanggang ngayon, ganu’n pa rin po. Ang hirap naman kasing madaliin ‘yung pagpapakasal and then, ‘yung foundation is medyo rocky so we want to keep going and to make it stronger, too,” paliwanag pa ng actress sa ginanap na thanksgiving party ng Luxe Beauty and Wellness Group last Saturday night.
May isang anak na sila ni McCoy.
Maalalang nagka-problema ang relasyon nila last year – naghiwalay pero nagkabalikan din.
Ngayon ba iniisip na nilang sundan ang anak nilang si Felise?
“‘Wag na muna po. I think, now we’re focusing on building the life of our dreams, kasama na rin ‘yung magkaroon ng bahay.”
Anyway, this month lang siya naging official endorser ng Luxe pero matagal na raw siyang user ng slim drink nito.
Tinuklas ni Atom… Pilipinas, kabilang sa walong bansa may learning poverty rate
Itinampok sa The Atom Araullo Specials noong Linggo ang kuwento ng ilang kabataang humaharap sa panganib sa kanilang pang-araw-araw na paglalakbay patungong paaralan, at iba pang mga hamon na nakakaapekto sa kanilang pag-aaral.
Para sa magpinsang Jamboy at Jodel na galing pa sa tuktok ng bundok sa Ifugao, kinakailangan nilang sumakay ng tram para makapasok sa eskuwela. Mapanganib ang sasakyang ito, pero hindi dito nagtatapos ang mga pagsubok nila. Ang mga aralin ay nasa Ingles, isang wikang ‘di nila halos maintindihan. Isinasalin ang mga ito sa Filipino o sa kanilang lokal na diyalektong Tuwali. Nasa grade 6 sila Jamboy at Jodel, at umaasang gumradweyt ngayong 2024.
Sa Pangasinan, ilog ang tinatawid ng mga estudyante gamit ang lumang balsa at lubid para makapasok sa eskwela. Ang Grade 9 na estudyanteng si Embo ang nagsisilbing bangkero upang matulungan ang mga kapwa estudyante makatawid sa ilog.
Pagpasok ni Embo, patuloy pa rin ang kanyang paggabay. Ginagamit ang “buddy-buddy system” sa kanyang eskuwelahan. Sa ganitong paraan, ipinapares ang estudyanteng may kahirapan sa pagbasa sa isang marunong. Walang problema si Embo sa pagbabasa, ngunit ang kaklaseng si Daniel ay hirap. Ginagabayan ni Embo si Daniel kung kaya sabay silang natututo sa pagbabasa.
Sa isang liblib na isla sa Quezon, ipinapakita ng isang Grade 6 student na sa kanyang murang edad ay maaari siyang magsilbing guro sa ibang mga kabataan. Ito ang adbokasiya ni Jedilyn, isang volunteer teacher sa maliit na komunidad na ito.
Ang mga kuwento nina Jamboy at Joddel, Embo, at Jedilyn ay nagpapakita ng ‘learning poverty’— o ang kawalan ng kakayahang magbasa at umunawa ng mga simpleng teksto — sa Pilipinas.
Ayon sa ulat ng World Bank noong 2023, ang Pilipinas ay kabilang sa walong bansang may learning poverty rate na mas mataas sa 67 percent, sa kabila ng pagbabalik ng in-person classes sa mga paaralan simula noong Nobyembre 2022.
Ang Pilipinas ay nasa isang kritikal na posisyon dahil kailangan nitong abutin ang 5-taong backlog sa pag-aaral, tatlo sa mga ito ay noong panahon ng pandemya.
- Latest