^

Pang Movies

Ritz, bubuhayin ang career

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Ritz, bubuhayin ang career
Ritz

Ace lawyer-turned film producer na si Atty. Ferdie Topacio texted us directly from Prague na tapos na umano ang principal photography ng romantic film na Spring in Prague na nag-shooting sa capital city ng Czech Republic na pinagbibidahan nina Paolo Gumabao at Czech actress na si Sara Sandeva at pinamahalaan ni Lester Dimaranan na director din ng hit Netflix true-to-life film na Mamasapano.

Some scenes of the movie ay kinunan mismo sa Pilipinas at dumating sa bansa si Sara, her first visit sa Pilipinas.

After the post production ng movie ay saka magdedesisyon ang Borracho Films kung kelan nila ipapalabas ang pelikula – sa taong ito.

Ayon sa Borracho Films producer na si Atty. Topacio, after Spring in Prague ay may ilan na rin silang proyekto na naka-line up this year at kasama na rito ang romance film na One Dinner A Week na tatampukan nina Edu Manzano at Ritz Azul (in her comeback bid) at pamamahalaan ng writer-director na si Easy Ferrer. Nariyan din ang political-thriller movie maging ang isa pang proyekto na sinulat ng Palanca-winner writer na si Eric Ramos na siya ring sumulat ng Mamasapano.

Bukod sa pagpu-produce, pinasok na rin ng Borracho Films ang talent management – ang pag-discover at pagbi-build up ng mga baguhang artista with Dennis Arce as the company’s talent development director.

Pira-Piraso..., may sepanx

Down to last two weeks na ang hit afternoon TV series na Pira-Pirasong Paraiso kung saan mga pangunahing bida sina Loisa Andalio, Charlie Dizon, Alexa Ilacad at Elisse Joson ung saan din tampok sina Joseph Marco, Ronnie Alonte at KD Estrada kasama sina Snooky Serna, Sunshine Dizon, Rosanna Roces, Gardo Versoza, Markus Paterson, Epy Quizon, Art Acuna at iba pa at kung saan nagkaroon ng special participation sa isang markadong role ang Diamond Star na si Maricel Soriano. 

Ngayong napatunayan na nina Loisa, Charlie, Alexa at Elisse ang kanilang husay sa pag-arte, hindi kami magtataka kung mabibigyan na rin sila ng kanilang magkakahiwalay na solo projects.

Hindi rin ikinakaila ng bumubuo ng cast ng Pira-Pirasong Paraiso na nakabuo umano sila ng bagong pamilya at nakakaramdam na rin umano sila ng sepanx (separation anxiety) ngayong malapit nang magtapos ang serye.

Alessandra at Empoy, walang tsansang maging intimate!

Sanay na sanay na ang AlEmpoy tandem nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez sa gusto ng kanilang supporters na silang dalawa na ang magkatuluyan sa totoong buhay lalupa’t pareho silang single hanggang ngayon. Ang huling nakarelasyon ni Alex (Alessandra) ay ang TV director at ex-boyfriend ni Harlene Bautista na si Rico Gutierrez. Prior to Rico ay naging nobyo rin noon ng nakababatang kapatid ni Assunta de Rossi ang actor na si Mark Abaya.

Ang dalawa ay nagsimulang maging close sa isa’t isa nang gawin nila ang 2017 hit indie movie na Kita Kita na pinamahalaan ni Sigrid Andrea Bernardo under Spring Films na pinamumunuan ni Piolo Pascual na isa rin sa pinakamalapit na kaibigan ni Alex.

Pero pinangangatawanan ng AlEmpoy na hanggang best of friends at bilang magkapatid lamang umano ang kanilang maiaalay para sa isa’t isa.

Sina Alex at Empoy ay may bagong sitcom sa Net25, ang May for Ever na mapapanood na simula ngayong Jan. 20 (Saturday) at 7 p.m.

vuukle comment

EMPOY MARQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with