^

Pang Movies

Anjo at Jomari, nagkabati na

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Anjo at Jomari, nagkabati na
Anjo at Jomari Yllana

Halos dalawang taon ding hindi nag-usap ang magkapatid na Anjo at Jomari Yllana dahil sa personal na problema sa kanilang pagitan. Pero muling nagkabati ang dalawa sa recent birthday ng kanilang ina na si Vicky Garchitorena-Yllana kung saan kasama ni Jomari ang kanyang bagong misis na si Abby Viduya.

Bilang nakakatanda sa kanilang magkakapatid, binati ni Anjo ang kanyang sister-in-law na si Abby at kinamayan ang kanyang nakababatang kapatid na si Jomari bagay na ikinatuwa ng kanilang ina.

“All these times pala na may gap kami ni Jomari ay ikinalungkot na ito ng mommy namin na panay ang dasal sa muling pagkakabati namin,” kuwento pa ni Anjo after the presscon proper ng Itutumba Ka ng Tatay Ko na showing na sa mga sinehan ngayong Jan. 24.

Ayon kay Anjo, wala na umanong sumbatan, paliwanagan at paghingi ng sorry  sa pagitan nila ni Jomari.

Malaki ang binagsak ng katawan...

Sayang naman at hindi na inabutan ng veteran actor na si Ronaldo Valdez ang paglabas sa mga sinehan ng directorial debut ng kanyang panganay na si Janno Gibbs, ang Itutumba Ka ng Tatay Ko na pinagbibidahan din ni Janno kasama ang dating child star na si Xia Vigor. Ang nasabing pelikula bale ang huling proyekto ni Ronaldo bago ito pumanaw nung Dec. 17, 2023.

Bago siya sumakabilang-buhay  ay ipinakita nito sa anak kung gaano siya ka-proud bilang ama.

Hindi ikinakaila ni Janno na bukod sa pagiging idol at mentor ay para umanong best friends ang turingan nilang mag-ama.

Hindi man magsalita si Janno how devastated he was sa pagpanaw ng ama, makikita ito sa pagkahulog ng kanyang katawan. Kapansin-pansin ang malaking ipinayat niya since the death of his father at hanggang ngayon ay pino-process pa rin umano niya at ng kanyang pamilya ang maaga nitong pagkawala.

Alden, abala sa pagdidirek

Kung naging fruitful ang mga nakaraang taon including last year sa Kapuso-prized actor na si Alden Richards, umaasa siya na ito’y magtutuluy-tuloy sa taong ito.

Sinabi ng Kapuso matinee idol, celebrity endorser and successful entrepreneur na si Alden na looking forward umano siya sa more projects this year at kasama na rito ang kanyang bago pinasok na karera, ang pagdidirek.

Tulad ni Janno Gibbs, directorial debut naman ni Alden ang pelikulang pinagbibidahan ni Heaven Peralejo under Viva Films.

 

JOMARI YLLANA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with