Pelikulang tagalog, bubuhayin din sa Amerika
Ramdam na ramdam ang saya sa naging big success sa nakaraang Metro Manila Film Festival (MMFF).
Isang malaking tagumpay ito kaya naman tuwang-tuwa si Christopher de Leon na invited sila sa Los Angeles para dumalo sa gaganaping Manila International Film Festival kung saan ipalalabas ang mga pelikulang napanood sa Metro Manila Film Festival.
Isang malaking event para sa showbiz ito dahil imagine mo magkakaroon ng filmfest doon ng mga pelikulang Tagalog.
Sure na aabangan ito ng mga Pilipino sa abroad kaya magiging tagumpay ito.
Ganda talagang simula ng 2024 para sa showbiz.
Sana nga ay magtuluy-tuloy na para mas sumigla pa lalo at mas marami pang tao ang maging masaya dahil nangangahulugan ito ng more work at income sa maraming tao.
Sana rin ay ma-sustain ito at hindi pasiklab lang ng mga manonood.
- Latest