^

Pang Movies

Mark Leviste nilinaw ang kumalat na intrigang namatay na si Kris

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Mark Leviste nilinaw ang kumalat na intrigang namatay na si Kris
Kris Aquino at Mark Leviste
STAR/ File

Hindi pinalampas ni Batangas Vice Governor Mark Leviste ang fake news na pumanaw na si Kris Aquino.

Lumabas sa isang Facebook post na pumanaw na si Kris noong January 3 at kaagad na kumalat ito sa social media.

Burado na ang naturang post pero bago ito na-delete ay naka-reply pa si VG Mark at nilinaw ang balita.

Ayon sa politiko ay buhay na buhay si Kris at kasalukuyan silang magkasama sa US.

“Kris is very much alive – we’re together now in Orange County,” aniya.

Kasunod nito ay kinondena ni VG Mark ang mga nagkakalat ng ganitong maling balita.

“Whoever came up with this fake/false news is foolish, selfish and idiotic,” he said.

Samantala, base na rin sa mga kumakalat na larawan sa social media, magkasamang nag-Pasko’t Bagong Taon sina Kris at Mark sa US kung saan nga kasalukuyang nagpapagamot si Tetay.

Obviously ay okay na okay na naman ang kanilang relasyon.

Miles, naka-move on na kay Elijah

Halatang naka-move on na si Miles Ocampo sa break-up nila ni Elijah Canlas last year.

Matatandaang inamin ni Elijah last November ang kanilang break-up ni Miles at aniya, may mga naging problema raw sila along the way hanggang sa nauwi na sa hiwalayan. More than 2 years din ang kanilang naging relasyon.

Sa panayam ni Miles kay Karen Davila, sinabi ng aktres na natutuwa naman daw siya ay iniwan na nila ni Elijah ang kanilang mga naging issues sa 2023.

“May mga bagay na nangyari, of course, sa isang relationship naman, hindi lang naman isang tao, you have to make it work, kayong dalawa.

“So, siyempre, may mga pagkukulang at ano rin, ‘yung isa’t isa. But I’m happy na naiwan lahat ng issues namin na ‘yun sa 2023, Miss Karen.

“And then, we started this year na okay kami, na nag-uusap na ulit and all,” pahayag ni Miles.

“Siyempre, Miss Karen, hindi rin naman biro ‘yung mga pinagdaanan namin, of course. May mga bagay na kaming dalawa lang ang makakaalam at makakasagot sa isa’t isa. So, might as well, be friends for now,” dagdag pa niya.

When asked kung si Elijah ba ang true love niya, mabilis na sagot ng aktres, “yes Miss Karen! First dyowa,” sabay-tawa, “first boyfriend, first everything.”

Natanong din kung ready na ba siya na makipag-date ulit sa ibang guy at ayon kay Miles ay hindi pa raw.

“Parang no. Huwag na muna. Parang napakadaming magandang nangyayari ngayon and may mga offers na mga work. Parang sabi ni Lord, ‘anak, ‘eto muna.’ So, ito muna ‘yung mga haharapin natin ngayong taon,” pahayag pa ng Best Supporting Actress ng Metro Manila Film Festival 2023.

Nang mahingan ng message for Elijah sa  pagbubukas ng 2024, sey ni Miles, “may pinagsamahan kami, matagal din kami, and kapag ganu’n na marami kayong pinagdaanan together, marami kayong happy memories din together, ‘di ba, parang I have so much love and respect for that person.”

vuukle comment

KRIS

MARK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with