^

Pang Movies

TV inaasahang makakabangon din ang rating

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Bagong teaser ng Encantadia Chronicles: Sang’gre, sap-usapan!

Pasabog agad sa 2024 ang latest pasilip sa iconic telefantasya ng GMA Network na Encantadia Chronicles: Sang’gre.

Makikita sa teaser na inilabas nila ng pagsasama-sama ng dalawang henerasyon ng mga Sang’gre. Past meets present ang kanilang peg habang nagkakasiyahan sa isang bar!

Sinimulan ang video ng very hot appearance nina Gabbi Garcia bilang Alena, Sanya Lopez bilang Danaya, Kylie Padilla bilang Amihan, at Glaiza de Castro bilang Pirena. Sinundan naman ‘yan ng grand entrance ng mga bagong Sang’gre na sina Bianca Umali, Kelvin Miranda, Faith da Silva, at Angel Guardian.

Bongga. Sana talaga ay bumalik na rin ang karamihan sa panonood ng TV.

Malaki rin ang ibinaba sa rating ng mga TV show dahil sa social media.

Pero heto at parang magaganda ang mga bagong programa ng GMA kaya abangan natin.

Pasalamat na rin tayo na pinipilahan ang mga pelikulang kasali sa MMFF na malaking bagay para sabihing buhay na buhay ang entertainment industry pagkatapos ng pandemic.

vuukle comment

GMA NETWORK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with