^

Pang Movies

Sen. Win, natameme sa kontrobersya ni Bianca!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Sen. Win, natameme sa kontrobersya ni Bianca!
Sen. Win Gatchalian at Bianca Manalo

Massive ang reaction sa supposedly ay clarification ni Bianca Manalo sa pagkakadawit niya sa controversial expose ng convo nila ni Rob Gomez.

Kino-question ng netizens na baka diumano lumulusot lang si Bianca.

Ba’t daw kailangan pa nilang magkita samantalang marami namang delivery app.

Kung normal daw ‘yun, ba’t kailangan niyang magdala ng doggie sa pagkikita nila at tanggapin ang mga regalong sinasabi.

At ba’t daw kailangan niya pang sabihin na wala si Sen. Win Gatchalian at nasa Valenzuela?

Nag-post nga si Bianca  ng isang statement upang linawin na mali ang mga tsismis na kumakalat sa internet.

Aniya, magkaibigan at katrabaho lang niya ni Rob Gomez (Magandang Dilag.)

Paliwanag pa niya na nagdala lang daw ito ng mga Christmas gift at gusto niyang matanggap nang maaga bago siya umalis papuntang airport dahil aalis sila pa-Japan.

Naiinis daw siya na nalantad ang kanilang pag-uusap na wala siyang pahintulot at diumano’y isang paglabag sa privacy na naging dahilan ng napakaraming online bashing sa kanya.

Tinanggal daw ang ibang bahagi ng kanilang pag-uusap upang lumikha ng mga malisyosong insinuation.

Gusto na raw niyang matapos ito dahil nakakasakit ito sa kanya at mga mahal sa buhay at para naman daw ma-enjoy nila ang bakasyon ng kanyang pamilya sa Japan.

At sa huli ay bumati siya ng Merry Christmas sa lahat.

Pero hirit nga ng netizens, wala ba silang kasama sa bahay para tumanggap sa mga nasabing regalo?

Samantala, “no comment” naman ang sagot sa mga naglalabasang kontrobersya ni Sen. Win.

Marami ngang nakisimpatya sa senador nang kumalat ang nasabing convo na katwiran naman ni Rob ay nanakaw ang cellphone niya.

Bago ang kontrobersyang ito ay nauna nang nabanggit ni Bianca na hindi sila nagmamadaling pakasal ng senador bilang sagot sa mga nagtataka kung ba’t hindi pa sila ikinakasal gayung lampas na sila sa edad ng pag-aasawa at baka hindi na raw si Bianca mabuntis ‘pag ganun.

“As long as we’re happy. Ang daming kinasal, 3 months naghiwalay. Kinasal, 2 years naghiwalay. Hindi kami ganun, eh.

“Hindi namin pinipilit, kasi iba parang, hindi ko alam kung naging fad na lang sa iba na, oh, I love her, I will propose, get married, then hiwalay. Hindi kami ganun,” pahayag Bianca sa interview ng CosmoPH. 

Sa social media pa ba. Lahat parang entitled sa opinion kahit ‘di naman hinihingi.

Pinaka-the best ay hintayin natin kung magpapatibay ito sa relasyon nina Sen. Win at Bianca, o hindi talaga nila destiny ang isa’t isa.

After 7 years, Belo ngayon dinetalye ang naging sakit

Pitong taon na palang cancer-free si Dra. Vicki Belo.

Parang kailan lang ‘yun nung pag-usapan na may sakit siya.

“I was never comfortable talking about my cancer but I’m feeling extremely #grateful this holiday season— here’s to 7 years being cancer free ! Thank you God for allowing me to see @scarletsnowbelo grow up and giving my grandkids their mamita. every day feels like a blessing

‘The entire ordeal was one of the most difficult and scary things I’ve ever had to go through . I‘ll forever be grateful for my family for their support and to the amazing doctors who did not give up on me . Most of all I’m grateful for Jesus Christ who held my hand every step of the way  

“#cancersurvivor #gratefullness #gratefuleveryday #cancerfree,” buong post niya.

Sumagot ang mister niyang si Hayden sa nasabing post. “What thing I’ll always remember: in the midst of your battle, you were still there for everyone else, always helping friends and family. You braved unkind words and abandonment of friends who weren’t kind and failed to understand what you were going through. Now look at you — stronger than ever and full of faith. You’re amazing, my love. I’m so proud of you.”

Na-diagnose siya ng third stage ng breast cancer noong 2016.

At dahil ikakasal noon ang anak niyang si Cristalle, kinailangan nilang mag-double radiation everyday para makadalo sa nasabing kasalan.

“I love you and I’m so so happy you’re healthy and strong and are able to enjoy scarlet and even your grand kids. Always rooting for you mommy,” mensahe ni Cristalle.

vuukle comment

WIN GATCHALIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with