^

Pang Movies

Venus, inililihim ang pangalan ng mister

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Venus, inililihim ang pangalan ng mister

Kung sunud-sunod ang breakups this year sa pagitan ng mga kilalang celebrity couples sunud-sunod din naman ang celebrity weddings this year at kasama na rito ang dating 2010 Bb. Pilipinas-Universe beauty queen na pumasok sa Top 4 ng Miss Universe pageant that year na si Venus Raj na ikinasal sa kanyang non-showbiz husband na ayaw niyang i-share ang pangalan.

Sina Venus and her brand new husband ay ikinasal sa isang intimate Christian wedding ceremony in Pasig City nung nakaraang Martes, Dec. 12 (12-12-23).

Bukod sa dating beauty queen na si Venus Raj, ikinasal na rin last Saturday, Dec. 9, 2023 ang dating member ng all-male dance group na Hashtags-turned actor na si Zeus Collins sa kanyang non-showbiz wife na si Pauline Redondo. Ito’y ginanap sa Acea Subic Beach Resort in Subic, Zambales na dinaluhan ng kanyang mga dating kasahamahan sa grupo tulad nina Wilbert Ross, Nikko Natividad, Kid Yambao, Tom Doromal, Ronnie Alonte at McCoy de Leon. Dumalo rin ang mag-partner na Vice Ganda at Ion Perez along with Elisse Joson, Loisa Andalio at Jackie Gonzaga.

Si Zeus ay kasama rin sa cast ng pelikulang Para Kang Papa Mo under Viva Films at kung saan tampok sina Mark Anthony Fernandez at Nikki Natividad (bilang mag-ama), Ruby Ruiz, Eric Fructuoso, Jao Mapa, Kid Yambao at iba pa. Palabas na sa mga sinehan ang nasabing pelikula simula last Wednesday, Dec. 13, na siya ring playdate ng pelikulang Unspoken Letters na hindi pumasok sa 49th Metro Manila Film Festival.

Nauna na sa kanya si Nikko Natividad na may asawa’t anak na habang sina McCoy de Leon at Elisse Joson ay wala pa ring balak magpakasal kahit meron nang isang anak.

Kathryn, aktibo na ulit

Kung si Direk Cathy Garcia-Sampana lamang ang masusunod, gusto niyang matuloy pa rin ang pelikulang pagtatambalan sana ng nagkahiwalay na dating magka-loveteam at magkasintahan na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla dahil the movie was customized para lamang sa kanilang dalawa. Ito’y bukod pa sa After Forever na dapat din sana’y gagawin ng dalawa sa Amerika.

Ang tambalan at relasyon nila ang maituturing na longest pairing and relationship ng isang magkasintahan kaya naging national issue ito nang nauwi sa hiwalayan na pareho nilang kinumpirma sa kanilang respective IG accounts nung nakaraang Nov. 30, 2023.

Habang marami pa rin ang umaasa na sana’y magkabalikan ang dalawa balang araw, moving forward na sila sa kanilang respective lives and careers.

Nakalipat na si Kathryn and her family sa kanilang bagong ipinagawang bahay at aktibo ito muli sa kanyang social media accounts sharing her moments with her family and close friends. Bukod sa mga bagong endorsements, may sisimulan na ring bagong movie project ang 27-year-old Kapamilya star, ang historical movie na Elena 1944 set in the Japanese occupation. 

Ito’y pamamahalaan ni Olivia Lamasan na siya ring nagdirek ng 2016 movie nila ni Daniel, ang Barcelona:  A Love Untold.

vuukle comment

VENUS RAJ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with