^

Pang Movies

Mga celeb, may patalbugan ng Christmas tree!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Mga celeb, may patalbugan ng Christmas tree!

Dahil ilang araw na lang Pasko na, ilan sa mga personalidad ang ramdam na ramdam na ang Kapaskuhan sa kanilang tahanan at pabonggahan na sila ng mga dekorasyon at lalo na ang Christmas tree.

Isa sa mga inaabangan ng mga tagahanga ay ang Christmas tree ng mga celebrity na ginagawa namang guide ng mga ito upang magaya rin nila sa kanilang tahanan.

Isa sa mga handang-handa na sa Pasko at laging Christmas-ready taun-taon ay ang mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Puno ng red at striped ornaments ang Christmas tree nila na dinisenyo pa ng celebrity floral and event designer na si Teddy Manuel.

Hindi rin naman nagpahuli ang Kapuso actress na si Gabbi Garcia na may red-themed Christmas ngayong taon.

Nilarawan ito ng karelasyon ni Khalil Ramos na “romantic-dramatic, monochromatic” theme na dinisenyo pa raw nina Dave Sandoval and Ernest Pascual.

Siyempre hindi naman nagpakabog ang mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao na may isa sa pinakabonggang dekorasyon taun-taon sa mga celeb na inaabangan din ng fans.

Ngayong taon ay dinisenyo pa pala ito ng celebrity floral and events designer na si Gideon Hermosa. Makikita sa litrato ang napakalaking Christmas tree nila na kanyang tinitingala pa sa laki sa kanilang bagong bahay. Bongga.

 

vuukle comment

CHRISTMAS TREE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with