^

Pang Movies

Aiko, nagpalagay ng rubber band sa bituka para ‘di tumaba!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Aiko, nagpalagay ng rubber band sa bituka para �di tumaba!
Aiko Melendez

Kahanga-hanga naman si Aiko Melendez na hindi itinago ang tungkol sa cosmetic procedures na kanyang pinagawa.

Pinagdiinan niyang wala raw siyang ipinagawa sa kanyang mukha pero inamin niyang may mga pinagawa siya sa kanyang katawan at marami-rami raw.

Sey niya, “Sa katawan, ‘yan, aminado ako, medyo marami tayong in-enhance diyan. I went through liposuction. ‘Tapos, nagkaroon din ako, alam mo ‘yung intestine natin nilagyan ng rubber band. LAP-band ang tawag diyan, ganun din ako.”

Ang gastric band surgery ay isa raw procedure kung saan nilalagyan ng silicone band ang tinatawag na Lap-Band sa bituka. At binabawasan daw ng gastric band ang stomach capacity at pinapabagal ang passage ng pagkain sa bituka na nakakapagpasanay naman sa bituka natin na kumain ng mas kaunti.

Ngayong tumatanda na raw siya ay mas inaalagaan na niya ang kanyang sarili lalo na at may dalawa pa siyang anak na sina Andre at Marthena bilang single mom.

Balewala raw kasi ang yaman niya kung hindi niya babantayan ang kanyang kalusugan. Gusto rin daw niyang maging mas kaaya-aya ang kanyang hitsura para sa kanyang audience sa TV kaya nagpapayat daw talaga siya.

At mas bumagay sa kanya ang kaseksihan niya ngayon at blooming pa siya.

Happy talaga siguro siya sa kanyang karelasyon na si Cong. Jay Khonghun at alagang-alaga siya nito dahil halata sa kanyang hitsura ang happiness niya.

Para na lamang nga silang magkapatid ng daughter niyang si Marthena na lutang din ang ganda. Mana rin sa kanya ang beauty nito.

vuukle comment

AIKO MELENDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with