Memories will always stay...’
Ang sarap pala mag-spring cleaning ng gamit. Talagang pinagod ko si Mel (kasama ko sa bahay) at naloka ako sa mga matagal nang nakatago na nasira lang.
Noon ko nga natanggap sa sarili ko na kaya pala bitter na bitter ‘yung iba ‘pag nag-iba na ang status nila dahil makikita mo at mararamdaman sa mga natatanggap mong regalo.
Natatawa ako sa mga dati ay talagang all-out kung bigyan ka, at makikita mo na pa-cheap nang pa-cheap na ang gifts na ibinibigay. Siguro nga dahil akala wala nang mapapakinabangan pa sa iyo kaya sa iba naman sumisipsip. Hah hah, buti na lang hindi ako ang klase na magkakaroon ng inferiority ‘pag nag-iba ang trato ng tao sa akin. Siguro ‘yung iba kaya very mean dahil nga hindi nila matanggap na heto na, nag-iba ka na ng level, kaya ito lang ang bibigay ko sa iyo.
Ako kasi, tanggap ko ang reality na may mga taong user-friendly lang, ‘pag magagamit ka, ang bait. Masa-shock pa sila ‘pag nalaman meron ka pa ring koneksiyon at hindi lang basta-basta dahil love ka ni PBBM at First Lady Liza Marcos dahil love ka ni Usec. Honey Rose. Shocked pa sila na may natatawagan ka para makatulong anytime na you are in need. At maloka sila na close kayo ni Mayor Enrico Roque at Mang Erning Lim, plus Susan Co ng S&R at Puregold.
Masarap mag-name drop pero mas masarap na hindi ka insecure dahil alam mo ang worth mo. ‘Yung iba naman nag-iba na rin ang status kaya hindi na rin maka-afford magregalo ng signature. Saka dahil alam nila siguro na jologs ako kaya iba na ang binibigay, hah hah.
Naku , talagang hinayang na hinayang ako sa mga LV, Gucci at Prada slippers na tinapon ni Mel dahil sira na nga. Buti na lang ipinamana ko na mga bags ko sa anak at pamangkin ko.
Hay naku, dahil nga matanda na ako, heto spring cleaning sa lahat. Talagang pati magazines o newspapers na itinatago ko for some reasons pinasunog ko na. Na-misty eyed nga ako nang makita ko ang old photos ko, those were the days talaga.
Memories will always stay in your mind, and touched your heart, but the reality is it will later fade with the years. Para na ngang gusto mo pang itanong bakit ba tinago ko ito?
- Latest