^

Pang Movies

Michelle, back to work na

Nora Calderon - Pang-masa

Last Monday, Nov. 27, nagbalik muli si Michelle Marquez Dee sa Fast Talk with Boy Abunda at kasama niya ang younger brother niyang si Abraham Lawyer, 20-year-old na anak ng mommy niyang si Melanie Marquez sa husband nitong is Randy Lawyer.

Parang artistang pinagkaguluhan sa studio ang 6’5 na si Abe na hindi marunong magsalita ng Tagalog dahil lumaki ito sa Amerika, kaya ang sagot niya sa tanong kung marunong siyang mag-Tagalog, ay ‘konti lang!’

Pero plano pala ni Abe na mag-join din ng showbiz tulad ng ate niya, pero gusto rin daw muna niyang magtapos ng studies niya kaya hindi rin siya magtatagal sa Pilipinas.

Pero gusto rin muna niyang mag-aral ng Tagalog. Hindi rin siya bago sa pagiging ramp model dahil nag-model na rin siya ng ilang sikat na clothing brand sa Pilipinas noong teenager pa siya noong 2019.

Meanwhile, back to showbiz na muli si Michelle, at nagpaalaala siya sa fans niya ng bagong project na gagawin niya sa GMA Network very soon.

Janine, ayaw pag=usapan si Paulo

Maraming nagtatanong kung totoo raw bang ang reason ng hindi pagtanggap ni Janine Gutierrez ng Best Actress Award niya mula sa EDDYS Awards Night last Sunday evening, ay dahil ayaw niyang mausisa tungkol sa hiwalay na raw sila ni Paulo Avelino?

Si Janine ang nanalong Best Actres ka-tie si Max Eigenmann at maraming umasang makikita nila si Janine na tumanggap ng award, pero sa halip ang inang si Lotlot de Leon ang tumanggap ng kanyang trophy na na-excite naman dahil siya raw ay hindi pa nakakatanggap ng isang Best Actress award.

KC, ninerbyos sa reaction ni Gabby

Proud father si Gabby Concepcion nang samahan niya ang anak na si KC Concepcion sa premiere night ng movie nito, ang Asian Persuasion.

Kaya appreciated ng fans ni KC hindi lamang ang pagpu-promote ni Gabby sa kanyang social media account kundi lalo na ang pagsama nito kay KC sa premiere night.

Nerbyos na nerbyos daw naman si KC kung ano ang sasabihin ng ama sa kanyang role at sa kanilang movie. “I’ve never had so much fun watching a movie in a long time,” post ni Gabby. “Honestly, it was entertaining to watch Asian Persuasion. They were so funny!”

Ayon pa kay Gabby, bago nagsimula ang showing ng movie, nakausap daw niya ang ilan sa cast na nasa holding area at sabi niya, “the comedy was simply down to earth, good script, they achieved it.”

Binati rin niya ang anak: “Congratulations to my daughter KC for landing a role in this movie. You make me proud. You can be anyone you want to! You make us all proud! Cheers to the actors! You are all an inspirations to us, your viewers, your fans. Must watch!”

Sabi naman ni KC, na-miss daw niya ang ganitong events sa buhay niya.

vuukle comment

MICHELLE MARQUEZ DEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with