^

Pang Movies

Ayaw mandaya!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Ayaw mandaya!
Lito

Matikas at maliksi pa rin si Senator Lito Lapid nang ipakita niya sa press ang video ng kanyang stunts na ginawa sa Ang Batang Quiapo nung magpatawag siya sa early Christmas gathering with some press.

Hindi pa rin nawawala ang tatak Lito Lapid sa kanyang action routines na nagmarka sa manonood nang bigyan siya ng break sa movies ng Mirick producer na si Jesse Chua.

“Eh ‘yung director, gusto niya i-cut ‘pag tatalon ako pero hindi ako pumayag. Parang dinadaya mo ang manonood kapag ganoon,” paliwanag ni Senator Lito.

Sa eksenang ‘yon, kasama ni Sen. Lapid si Lorna Tolentino kung saan may kissing scene siya. “Kaibigan si Lorna kaya walang problema sa kissing scene na ‘yon. Kaibigan ko rin ang pumanaw na asawa niyang si Daboy (Rudy Fernandez),” saad pa niya.

Ensayado naman ang senador na reelectionist.

Isa sa projects niya kasama ang artistang senador ay ang Eddie Garcia Law upang maipasa ito para sa kapakanan ng workers sa industry.

Sa ngayon, binabalak ng senador na ipunin ang mga lumang pelikula niya upang i-restore dahil iilan lang ang nasa kanya.

As of now, wala pang plano sa 2024 si Senator Lito Lapid!

Happy Birthday...

Happy, happy birthday, Sir Miguel Belmonte! Salamat at naging bahagi kami ng PhilStar Media Group!

vuukle comment

LITO LAPID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with