^

Pang Movies

Zoren, pinaalala ang mga naging ‘lalaki’ ni Carmina  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Zoren, pinaalala ang mga naging ‘lalaki’ ni Carmina           
Zoren at Carmina

Si Zoren Legaspi ang sinalang ni Carmina Villarroel sa segment ng Sarap, ‘Di Ba? last Saturday na Hot Seat.

Tinanong si Zoren na kung may gagawing movie si Mina at siya ang direktor, sino ang kukunin niyang aktor bilang lea­ding man na dating na-link kay Mina?
Habang binabasa nga ni Carmina ang tanong, pabirong pinipikot nito ang tenga ni Zoren para maging maingat sa pagsagot.

“Na-link sa ‘yo?,” tanong ni Zoren na tila nag-isip kung sino ang babanggiting aktor.

Lalong kinabahan si Carmina nang sabihin ni Zoren na gusto niyang tatlo ang magiging leading man ng kanyang asawa sa naiisip niyang pelikula.

“Naalala n’yo yung ‘3 Men and A Baby’? Ito 3 Men and A Sweetheart.’ Ikaw, ‘yung Sweetheart,” sabi nito kay Carmina.

Kasunod nito ay tinukoy na nito ang mga magi­ging leading man ni Carmina: sina Smokey Manaloto, Keempee de Leon, at Piolo Pascual.

“Si Smokey sa comedy, si Keempee parang college-college, ‘yung romance si Piolo,” sabi pa ni Zoren na ikinatuwa naman ni Mina.

Biro ni Carmina sa mister: “Humanda ka sa akin mamaya sa bahay. Pa-action-action star ang image, patay ka sa ‘kin.”

Sa isang episode noon ng Sarap, ‘Di Ba?, naungkat ang tungkol sa isang aktor na muntik nang makatuluyan ni Carmina na nasa “kabilang” network. Si Zoren pa mismo ang nagpaalala kay Mina tungkol sa aktor na iyon.

Anak nina Aubrey at Troy, bumubuti sa stem cell

Masayang nagkuwento si Aubrey Miles sa magandang pagbabago sa anak nila ni Troy Montero na si Rocket matapos ang ilang buwan na gamutan at therapy. Isa nga raw itong milagro para sa kanilang pamilya.

Sa Instagram post, nagbigay ng update si Aubrey tungkol sa kanyang anak na mayroong autism spectrum disorder (ASD).

“From not being able to take pictures to this. Still a working progress but this will do. Being able to stand still as a kid on the autism spectrum is huge. Smiling is a bonus. From not talking and now copying every word we say is a miracle,” caption pa ni Aubrey sa Instagram.

Ayon kay Aubrey, sumailalim si Rocket sa stem cell therapy at hyperbaric oxygen therapy noong nakaraang August. Sumailalim din ito sa speech and occupational therapy.

Noong nakaraang taon lang isinapubliko nila Aubrey at Troy ang pag-diagnose kay Rocket, who was 4 years old then, na may ASD.

“’Yung relationship namin ni Troy, parang, ‘may ibibigay pa pala tayo.’ Akala mo ito na ‘yung best love. Hindi pa pala, so ang dami lang namin natutunan,” sey ni Aubrey sa magandang natutunan nila sa kanilang anak.

ZOREN LEGASPI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with