^

Pang Movies

Mga local actor, naging jobless dahil sa K-drama  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Maraming mga babae ang nababaliw sa mga Korean drama kahit hindi naman nila alam ang tunay na kuwento ng palabas pero ang kadalasang sinasabi nila ay “ang pogi ng bidang lalaking bida.” Kaya naman sila na rin ang kinukuhang endorser ng maraming produkto sa bansa, dahil sa kanilang naging popularidad - endorser ng kape, ng donut, mga brand ng damit at pati brief.

Kawawa ang mga artista at modelong Pilipino na nawawalan ng trabaho. 

Kung iisipin, ang daming local actors na mas guwapo pa kaysa sa mga Koreano, pero tila nga nagkaroon ng ‘sabwatan’ ang TV networks, ang mga advertiser at lalo na ang social media para paboran ang mga Koreano para makatipid na rin.

At sila ang mga kumikita nang malaki sa Pilipinas pero nagbabayad ba sila ng tax sa ating bansa? Hindi, dahil nagbabayad sila ng tax sa bayan nila, at ang nangyayari pa hinahakot nila ang ating mga naipong dolyar bilang mga talent fee nila.

Isipin ninyo ang mga OFW natin hirap na hirap sa pagpapadala ng dolyar sa ating bansa na inaasahan naman para gumanda ang ating ekonomiya, tapos mawawaldas lang sa bawat pagdayo rito ng mga artistang Koreano. Ano mang tingin ang gawin ninyo, talo tayo sa mga ganyang bagay.

Ang nakakatawa pa, may mga grupo ng Pilipino na pinag-aaral pa sa Korea, kumakanta ala-Korean, nag-aayos na tila tulad sa kanilang idolo dahil nagpapanggap nga silang Koreano sa pag-aakalang doon sila sisikat.  

Hindi ba nakakapanlumo ang ganyan. Iyong kapwa natin Pilipino sa halip na PIlipinas ang ipakilala ay nagpapanggap pang Koreano?

Ngayon kabi-kabila ang mga drama at pelikulang Koreano sa cable channels. Samantalang ang mga pelikula ng mga artistang Pilipino ay ipinalalabas na lamang sa internet at kailangang maging mahalay para pagtiyagaang panoorin.

Nasaan na ang mga lider nating nangangalaga ng ating kultura? Kung iyon ‘Culture’ ay hindi inalis sa Department of Education, baka pumayag pa kaming magkaroon sila ng intelligence fund para mapag-aralan kung sino iyang mga sumasabotahe sa kulturang Pilipino. Sinasakop na nga ng China ang west Philippine Sea, ipinasasakop pa natin sa mga Koreano ang ating telebisyon, musika at kultura. 

Paano na ang ating bayan?

Ynna, abala sa vlogging                                          

Si Ynna Asistio na nag-artista rin naman at anak ng dating mayor ng Caloocan na si Boy Asistio kay Nadia Montenegro, ay isa na rin ngayong ina. Masaya naman ang kanyang buhay na kasama ang kanyang asawang si Bully Carbonell at ang kanilang anak na si Ava. Hindi na masyadong aktibo ngayon si Ynna blang artista, dahil priority niya ang kanyang pamilya pero napapanood pa rin naman siya sa internet dahil gumagawa siya ng sarili niyang blogs. Siya ngayon ay kabilang na sa napakaraming Pilipinong nagsasabi na ang kanilang propesyon ay bilang “content creator.” Pero may kabuluhan naman daw ang mga content na ginagawa ni Ynna, dahil dagdag na kaalaman daw ‘yun sa mga kababaihan, lalo na ang mga inang kagaya niya. 

Pero noong isang araw ngang napag-usapan namin si Ynna, ano kaya ang naging buhay niya kung nagkatuluyan sila noon ng naging syota niyang si Mark Herras? Ganyan din kaya kaganda ang takbo ng kanyang buhay. Eh si Mark hindi na natin alam kung ano ang nangyayari sa ngayon. Hindi na rin naman siya aktibo sa kanyang career dahil sa siguro ang daming bagong artistang bagong pasok sa GMA kaya ganun, maraming kakumpetensiya.

Pero ‘yun nga ganun talaga, ang buhay ngayon ng mga celebrity ay content creator na.

Male starlet, nagka-jowa ng 40 years ang tanda sa kanya

May isa kaming kaibigan na nagpasa sa amin ng video at sinabing panoorin daw namin.

Iyon pala ay parang talk show ng dalawang baguhang male starlet na lumalabas sa isang gay series, at pinag-uusapan ang kanilang sarili. Nagmalinis iyong isa, na sabi inaamin daw niyang medyo ‘mahilig’ siya pero sa edad niya sa ngayon, mas matino na raw siya, at base sa naging mga karanasan niya sa nakaraan mas gusto raw niyang mas matanda sa kanya ang kanyang magiging syota. Sinabi pa niyang dahil siya ay 28 na ngayon, puwede raw iyong 30 hanggang 32. Tapos nadulas din naman siya ng salita na ‘para naman hindi ako ang gumagastos.’

“Player” kasi iyang batang iyan, kung naiintindihan ninyo ang gusto naming sabihin. Kilala na namin ang likaw ng bituka niya at kakilala namin ang isa sa naging syota niya. Matanda nga sa kanya, pero hindi ng dalawa o apat na taon lamang, 40 taon ang tanda noon sa kanya, at ang syota niyang iyon ay hindi babae kundi bading.

KOREAN DRAMA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with