Jomari at Abby, ikinasal sa Vegas
Bongga may resibo na ang pagsasama nina Jomari Yllana at Abby Viduya.
Kinasal na pala sila sa Las Vegas kahapon, 1:30 p.m. (U.S time).
At ang anak lang daw ni Jomari na si Andrei ang naging witness.
Dinaluhan din daw ito ng ilang mga kaibigan nila.
At least, kumbaga ay talagang sa simbahan din natuloy ang kanilang relasyon na tama ba na naka-four years na agad pala sila.
Ang chika, 40 years din silang naghiwalay bago sila nagkita at nagsama.
Mga bata pa sila nung unang nagkaroon ng relasyon.
Grabe ano, ganun siguro talaga siguro ang true love.
Mahahanap mo talaga.
Hahaha. As if naman alam ko ang pakiramdam ng true love.
Hahahahahaha.
Black Rider, inaabangan!
Magbabago na ang kulay ng primetime dahil nagpakilala na ang bagong bayaning magbibigay ng hustisya sa mga naaapi!
Napapanood na after 24 Oras ang Black Rider na pinagbibidahan ni Primetime Action Hero Ruru Madrid. Kasama niya rito ang iba pang bigating stars gaya nina Matteo Guidicelli, Yassi Pressman, Katrina Halili, at Kylie Padilla.
Ang action-packed series na ito ay ang latest primetime offering ng GMA Public Affairs. Worth the hype ang seryeng ito dahil hindi lang basta-basta ang kwento nito — masisilayan daw dito ang elevated Pinoy action while emphasizing family love at heroism.
For sure, maraming emosyon ang madarama ng viewers habang pinapanood ang Black Rider at marami silang aral na mapupulot sa mga karakter.
- Latest