Reverb worship songs, bumida sa Catholic Mass Media Awards
MANILA, Philippines — Nagkaroon ng back-to-back nominations ang dalawang inspirational songs mula sa Reverb Worship PH, CBN Asia’s music arm, sa Catholic Mass Media Awards (CMMA) ngayong taon.
Isa sa nominado bilang Best Inspirational Song ang awiting Sa‘Yo Lang nina Jex de Castro at Joselle Feliciano na sinulat ni Lucas Miguel.
Inilabas ito noong December nakaraang taon at patuloy na pinaaalala sa mga nakikinig kung saan mahahanap ang kapayapaan at pag-ibig – kay Hesus.
Umaasa silang sa pagkilalang ito ay mas marami ang makikinig sa awitin nila.
“All we wanted to do was to hold a voice for those in grief, especially after the pandemic, when we’ve all lost so much. I wish that with this recognition, more people will get to listen to the song, find in it a safe space for their grief and disappointments, and ultimately point them to the bearer of lasting hope, joy, and comfort—Jesus Christ,” pagbahagi ni Joselle.
Samantala, ang Pansumandali naman ay finalist para sa Best Music Video category na mula sa direkson ng visionary Timothy Yee at mula sa panulat, komposisyon at pinerform ni Shekinah Gram na may mensaheng “God’s love is constant.” Habang ang visuals naman nito ay binigyang buhay ng Director of Photography nito na si Play Layugan.
Maraming pinagdaanan ang Pansumandali at inabot ito ng isang taon bago maprodyus ang music video.
“It took a year before we produced the music video for Pansumandali. We faced rejections and tears, but God had a better plan. This CMMA nomination is such an encouragement. Glory to God that His ways are always better. Cheers to the Reverb Worship team and everyone who watched the MV!” kuwento ni Shekinah.
Bilang isa sa finalists sa CMMA, para sa Executive Vice President and Chief Operating Officer ng CBN Asia na si John Valdes Tan, napatunayan ang kahanga-hangang talento ng Reverb Worship team at mas ginaganahan silang gumawa ng mas maraming kanta para papurihan ang Diyos.
Mapapakinggan ang Sa‘Yo Lang at Pansumandali sa Spotify, Apple Music, YouTube, at sa lahat ng digital streaming platforms worldwide.
- Latest