^

Pang Movies

Nanghihinayang sa gagastusin Janus del Prado, walang planong siputin ang kasal ng BFF na si Bea sa abroad!

Salve V. Asis - Pang-masa
Nanghihinayang sa gagastusin Janus del Prado, walang planong siputin ang kasal ng BFF na si Bea sa abroad!
Janus

MANILA, Philippines — Nakabangon na si Janus del Prado matapos literal na patumbahin ang kanyang finances noong nakaraang pandemya.

Hindi niya ‘yun napaghandaan kaya naman talagang sumadsad siya at tinulungan ng ilang kaibigan.

Sa kasalukuyan ay abala na ulit siya sa trabaho. Kabilang siya sa action drama series ng GMA 7 na Black Rider na pinagbibidahan nina Ruru Madrid and Yassi Pressman na mag-uumpisang mapanood sa Nov. 6 after 24 Oras. “Noong pandemic, lahat naman ata ng tao nung pandemic, nagkaproblema,” umpisa ni Janus.

So ngayon okay ka na? “Hindi ko naman masasabi na mayaman na ako pero stable na, tapos ayoko sabi­hing maganda ‘yung ginawa ng pandemic eh pero marami akong natutunan nung pandemic.

“Kasi natuto ako na kailangan mo ng emergency fund. ‘Di mo alam kung kelan mangyayari, kahit hindi pandemic what if mawalan ka ng show ‘di ba. Biglang mag-end ‘yung show. Hindi mo alam eh,” pag-alala ni Janus na buddy ni Ruru sa Black Rider.

 So ngayon ano na ang mga naipon mo? Nakabili ka na ba ng sariling bahay?

“Hindi pa, more on liquid ‘yung assets ko tinatabi ko kasi natutunan ko rin, hindi ko alam... or somewhere na ‘when in doubt, don’t’, eh I’m in doubt pa hindi ko pa alam ‘yung pinapasok ko like ‘yung mga bitcoin ‘yung mga ganyan. Hindi ko alam eh. So hindi ko siya pinapasok.

“‘Di ba ang daming mga artista ngayon na sinasabi nila na biktima sila. Eh parang ako naman ang reaction ko, hindi pa ba kayo aware sa pyramiding eh kahit may produkto ‘yan as long as kailangan mo ng down the line, pyramiding ‘yan ‘di ba. So may ganun ako lalo na kapag ano nga raw eh, easy money ‘di ba. When it’s too good to be true it’s because it is too good to be true. Mas ano ako ngayon, hindi kuripot eh kasi ano pa rin ako eh pero like kaya kong tipirin.

“Ang pinakamalaking gastos ko na in-assess ko e kotse. Hindi dahil sa mamahalin ‘yung kotse ko ah magastos magka-kotse, gasoline, maintenance lahat. Nagmomotor ako ngayon. So ‘yung motor ko ngayon hindi rin siya ‘yung mataas na cc ‘yung mabababa lang. Ang full tank ko kahit mataas na ‘yung presyo ng gasolina ngayon, 500 lang. Tumatagal na sya sa akin ng more than one week,” mahaba pang chika ni Janus na wala ring planong dumalo sa kasal nina Dominic Roque and Bea Alonzo dahil sa abroad ito gaganapin at nagtitipid siya.

 Samantala, dahil nga sa pagmo-motor, kaya pakiramdam niya ay nakabilang siya sa Black Rider. “I think kaya nga nila ako isang kinonsider na kunin dahil nagmomotor ako eh. Medyo awkward lang kasi manual ‘yung motor ko tapos naka-scooter kami. So nakakakaba kasi ‘yung automatic eh. Hindi ako nag-a-automatic na motor eh kasi kotse manual sa’kin,” kasabay ng pasasalamat na mahaba ang role niya rito sa Black Rider.

Belle, kabogera sa pagiging darna

Perfect na Gen Z Darna si Belle Mariano.

Ang ganda ni Belle sa kanyang Halloween outfit kahapon.

Bagay na bagay. Baka nga pwede talaga siyang magbida sa next version ng Pinoy superhero na si Jane de Leon ang huling gumanap.

Super duper cute naman ang upload ni Iza Calzado sa anak niyang si Deia na nag-outfit ng Darna. Ang cute, parang gusto mong kurutin.

Si Iza ang orig Darna sa pinagbidahang serye ni Jane.

Anyway, kinda throwback naman ang ipinost ni Dingdong Dantes na kasama si Marian Rivera para sa Halloween – “Cowabunga! #Halloween2022,” aniya sa caption. Sila ‘yung character Mutant Ninja Turtle na sina April and Cassey.

 Paandaran ng outfit ang mga celebrity kahapon sa social media. Pero ang sabi ng iba, winner si Andrea Brillantes dahil sa pagiging manananggal niya sa Shake Rattke and Ball… party.

Pero bukod sa nasabing Halloween outfit na halos ‘di siya nakilala ay may post din ito tungkol sa ‘karma’ at isang quote na “I don’t wish bad on anyone, but you reap what you sow in life. You don’t treat people bad and expect to live a good life.”

Aniya nakita lang niya ito sa FB dahil bored siya kaya mas ginawa niyang aesthetics, sabay halakhak sa kanyang post.

Ito raw kaya ang sagot ni Andrea sa nauna na ngang post ng girlfriend ngayon ni Ricci Rivero na si Leren Bautista na former beauty queen and now councilor na “Damage has been done and hurtful words have been said that scarred me deeply, but it wont stop me from doing what is right. We rise by lifting others. Not the other way around. At the end of the day, people will know, the TRUTH shall prevail,” bagama’t hindi man niya sinabi kung tungkol saan pero kalakip noon ang quote na “A beautiful truth about life is that for every person trying to dim your light, there’s another drawn to your glow.”

Troy Laureta, inilunsad ang bagong album na ‘DALAMHATI’

Inilunsad ng award-winning musical director na si Troy Laureta ang kanyang bagong album na Dalamhati na naglalaman ng iba’t ibang original songs at cover ng ilang OPM classics.

Naglalaman ang album ng 24 na awitin kung saan kasama ni Troy ang ilan sa local at international music icons tulad nina Regine Velasquez (Huwag Mo Kong Iwan), Ogie Alcasid (Pangarap Ko’y Ibigin Ka), Jed Madela (The Memory), Loren Alfred at Pia Toscano (Gusto Ko Nang Bumitaw), Katharine McPhee-Foster (Kailan Kaya), at marami pang iba.

““Being able to collaborate with amazing artists singing our songs will always be one of my greatest accomplishments,” ani Troy sa panibagong pagkakataong mabigyan ng bagong buhay ang gawang OPM.

 Ito na ang huling bahagi ng album trilogy ni Troy na sinimulan niya nang inilabas ang unang album na Kaibigan noong 2020 at sinundan ng Giliw na inilunsad noong 2021.

 Tampok sa remake niya ng Akin Ka Na Lang na nagsisilbing key track ng album ang singer-songwriter at American Idol season 6 winner na si Jordin Sparks. Iprinodyus ito ni Troy habang isinulat naman ni Kikx Salazar ang hugot ballad.

 Bago opisyal na ilunsad ang bago niyang album, nagsilbing patikim dito ang kanyang collab kasama si Martin Nievera na Kay Ganda Ng Ating Musika na unang inilabas. 

 Bukod sa pagiging tanyag na musical director, kilala rin si Troy bilang keyboardist at producer ng ilang world-renowned artists tulad nina Ariana Grande, Deborah Cox, Melanie Fiona, Cheesa, Tommy Page, at Iggy Azalea. Naging mentor din niya ang Canadian musician at composer na si David Foster na naging impluwensiya niya sa kanyang iba’t ibang musical arrangement at production.

JANUS DEL PRADO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with