^

Pang Movies

Chef Boy, nakabalik na sa tv!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Chef Boy, nakabalik na sa tv!
Chef Boy Logro

Nagbabalik-telebisyon ang Kusina Master na si Chef Boy Logro, na mapapanood sa GMA Integrated News program na Balita Ko.

Ilang taon din nagpahinga si Chef Boy sa paglabas sa telebisyon. Huli niyang TV show ay Idol Sa Kusina na natigil dahil sa pandemya.  “Sobra. Nakakatuwa, parang nabuhay ulit ako. Parang kailan lang, ito na naman,” sey ni Chef Boy na ang title ng cooking segment ay Tsibugan Na!

Bekikang, matagal nagkasakit

Nagulat ang marami sa biglang pagpanaw ng komedyanteng si Joey Paras sa edad na 45.

Ang nagkumpirma nito ay ang pamangkin ni Paras na si Zciara Shyne Sinchon-Fabian at pinost niya ito sa Facebook.

Hindi binanggit ang dahilan ng pagpanaw ni Joey pero matagal na ito may sakit sa puso. Noong 2018 ay kinabitan ito ng pacemaker.

Hindi iyon ang unang pagkakataon na inoperahan siya sa puso. Noong October 2016,  sumailalim na rin siya sa angioplasty.

Bumuti umano ang kanyang kondisyon matapos ang unang operasyon hanggang nakaranas siya biglang pag-black out o nawalan ng malay habang may ginagawang eksena.

Nang sumailalim siya sa ilang pagsusuri, nakitang mataas ang sugar level sa kanyang dugo at may irregularity sa tibok ng kanyang puso.

Nagbida si Paras sa comedy film na Bekikang noong 2013. Ilan pang pelikulang nagawa niya ay Sisterakas, Working Beks, Momzillas, Dance of the Steel Bars, Bromance, Bwakaw, Born Beautiful at mga indie films na Last Supper No. 3 at Babagwa kunsaan nanalo siya ng best supporting actor sa Cinemalaya.

Sa TV ay lumabas si Paras sa Sunday Pinasaya, Princess in the Palace, The Last Prince, Flordeliza, Galema, Mulawin vs. Ravena, Daldalita, Ikaw Sana, Hindi Ka Na Mag-iisa, at I Heart You Pare.

vuukle comment

BOY LOGRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with