^

Pang Movies

Gabby, tuwang-tuwa sa nangyari kina Sharon at KC

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Gabby, tuwang-tuwa sa nangyari kina Sharon at KC
Gabby, Sharon at KC
STAR/ File

As expected, isang malaking tagumpay ang Dear Heart reunion concert nina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta na ginanap sa SM Mall of Asia Arena last Friday, Oct. 27.

Punung-puno ang venue at talagang nahirapan kami papunta at pauwi dahil sa rami ng taong dumagsa sa concert. Pagpapatunay lang ito na talagang marami pa rin ang nagmamahal at naka-miss sa iconic tandem (in reel and real life) noong dekada 80.

Gabi ng nostalgia ang concert especially para sa mga batang ’80s na nasaksihan ang loveteam at pag-iibigan nina Sharon at Gabby.

Binusog naman talaga nina Gabby at Sharon ang kanilang fans dahil napakadaming kilig moments ng dalawa at ibinalik talaga nila ang audience sa dekada 80.

Maraming mga throwback moments (including video footages) habang kinakanta nila ang mga theme song ng kanilang mga naging pelikula tulad ng Dear Heart, My Only Love, P.S. I Love You, Dapat Ba Kitang Mahalin, Sa Hirap at Ginhawa, among others.

During the concert, hindi maikakailang malakas pa rin ang chemistry at kilig at chemistry nina Sharon at Gabby after 42 years. Nagsisigawan ang fans sa tuwing may sweet moments sila like simpleng holding hands lang or akbay or hawakan lang ni Gabby ang mukha ni Sharon and vice versa.

But more than just the nostalgic and sweet moments of the ex-couple, reunion din nila ito with their one and only daughter, KC Concepcion.

At para sa amin, ang pinaka-touching and most memorable moment ng concert ay nang umakyat na si KC sa stage at magsama-sama silang tatlo. Nakakaiyak at nakaka-goose bumps talaga.

Kumanta sina Sharon at KC ng Ikaw at dito na bumigay si Megastar at pati na rin kami. Iyak nang iyak si Sharon at buong audience yata ay nakiiyak sa kanila.

Pagkatapos nga ng number nila ay sinabi ni Gabby na masayang-masaya siya na okay na ang mag-ina. Hindi naman lingid sa lahat na nagkaroon ng tampuhan kamakailan lang sina Sharon at KC.

Winner din ang tsikahan portion nina Sharon at Gabby with Ogie Alcasid and Regine Velasquez kung saan ay tinanong ng mag-asawa ang ex-couple ng mga nakakakilig na tanong.

Nakakatuwa si Regine na kilig na kilig din kina Sharon at Gabby. Tawa naman kami nang tawa kay Ogie na binabato pa ang silya kapag may mga kilig moments ang dating mag-asawa.

Isa rin sa pinakakilig moments ng concert ay ang tatlong encore songs nina Sharon at Gabby – ang Tonight I Celebrate My Love, Maybe at ang signature song nilang Come What May.

Napaka-feel good ng concert at uuwi ka talagang may ngiti sa mga labi.

Dahil sa success ng concert ay marami na nga raw ang humihiling na magkaroon din ng reunion movie sina Sharon at Gabby.

Samantala, sa mga hindi nakapanood ng Dear Heart concert, pwede pang humabol sa Dear Heart VIP Night happening on Oct. 30 at Okada Manila Ballroom at ang InLife’s Dear Heart in Cebu on Nov. 17 at NUSTAR Convention Center.

vuukle comment

GABBY CONCEPCION

KC

SHARON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with