^

Pang Movies

Atasha, may ‘pasuyo’

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Atasha, may �pasuyo�
Atasha Muhlach

In-announce ni Atasha Muhlach sa kanyang Instagram ang release ng kanyang first single na Pasuyo na bukas, October 25. “First single and dreams do come true,” post ni Atasha.

May pa teaser si Atasha na bagay sa boses niya. Matagal na raw nilang hinihintay na mag-artista si Atasha at maging singer at ngayong dumating na, makakaasa sila ng kanilang suporta ayon sa kanyang followers sa social media.

Ang ganda rin ng comment na “Atasha will go places. Very natural, talented and so humble. Her looks is a breath of fresh air. Always smiling.”

Jowa ni Ricci, nagtaray!

Sumasagot din pala si councilor Leren Bautista sa mga bashers nila ni Ricci Rivero at ang dami niyang sinagot  na ang iba ay nang-aasar lang naman. Sa nag-comment/nagtanong kung siya ba ang tita ni Ricci, ang sagot, “Mas mukha kang Tita.”

Sa nag-comment naman na kung siya ba ang pinagpalit sa CEO at mukhang ribbon? Ang naging sagot ni Leren ay “Kesa mukhang manok.”

At sa nag-comment ng “Forever mangaagaw” ang sagot ni Leren, “Hahaha! Girl, never in my life that I’ll do such thing. This is so simple. We already explained ourselves and told the truth. Now, if you still wanna push your version of the story, then don’t ask us anymore. You can answer your own questions and get the answer you want.  Nakakapagod sabihin ang totoo dahil pilit pa rin ng tulad mong baliin ang katotohanan.   Ikaw, forever for the clout ka girl. Slaaaay Mema!”

May sinagot din si Leren na mali ang English dahil mahirap nga namang intindihin ang comment na “Is Ricci knowing what he said??? Lol.” Payo ni Leren, “Tagalugin mo na kasi,” na tama naman.

May tanong din si Leren sa netizens kung ano ba ang dapat gawin sa mga bashers? “Enlighten me please. Kapag sinagot at tinama ang paggamit ng you’re at your at pagcorrect ng spelling, masasabihan na agad ng parang hindi konsehal na edukada? Again, paulit ulit tayo girl, ASK HER.”

May sinagot din itong nag-comment na for the patol ang person at sagot ni Leren, “bash kayo ng bash, kapag sinagot naman kayo, ang sasabihin nyo “for the patol. Wag mambash kung ayaw mapatulan.”

Hindi rin naman lahat galit o bashers dahil may nagpahayag pa rin ng suporta sa kanya, sa kanila ni Ricci. Love raw nila ang dalawa at ‘wag nang pansinin ang mga bashers.

Alden, nawalan ng oras magbihis

Ginawang isyu ang pagdating ni Alden Richards sa Sparkle Spell 2023 na hindi naka-costume, hindi man lang daw ito nag-effort mag-costume at pinag-isipan pang hanggang sa ball ay pagpo-promote ng Five Breakups and A Romance ang inuna.

Hindi naisip ng bashers na kaya hindi naka-costume si Alden dahil wala siyang time magbihis. Busy siya buong araw ng Sunday, October 22 na nagsimula sa paggi-guest nila ni Julia Montes sa ASAP.

Pagkatapos ng guesting, dumalo si Alden sa mga pa-block screenings ng kanyang fans at ang pinakahuling pinuntahan ay ang pa-block screening nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid. Anong oras pa siya makakarating sa Halloween party ng Sparkle kung magbibihis pa siya ng costume?

Dumating si Alden na suot ang Godzilla t-shirt at dumating siya as Dr. Lance Sandoval, ang name ng karakter niya sa movie nila ni Julia. Kahit naman si Alden ang pinaka-simple ang suot sa Halloween party, star pa rin ang datingan niya.

vuukle comment

ATASHA MUHLACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with