^

Pang Movies

Matet, may regret sa naging pagtrato sa inang si Nora

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Matet, may regret sa naging pagtrato sa inang si Nora
Matet de Leon

Ngayon lang daw na-realize ni Matet de Leon na sana’y naging mas mabuting anak siya sa kanyang inang si Superstar Nora Aunor.

Inamin ni Matet na nagkulang siya sa paglambing noon kay Ate Guy.

“Siguro po ‘yung ipilit ko ‘yung sarili ko sa kanya. Kasi noong bata po kami, si mommy nga laging busy. So ang dating sa amin ‘pag nasa bahay, gusto niyang magpahinga lang, hindi puwedeng maistorbo. But ang gusto pala ni mommy nilalambing, ang gusto niya kinukulit. So we could have done that more noong bata kami,” sey ni Matet.

Ayon kay Matet, sana raw ay naglaan sila ng oras na magkakapatid sa kanilang ina.

“Siguro mas natanggal namin ang pagod niya kung hinila ko ‘yung mga kapatid ko na ‘Hali ka dali puntahan natin si mommy, i-massage natin. Siguro mas naging buo ‘yung relasyon namin, or mas marami akong naging memories or kami with her when we were younger,” sey ni Matet na napapanood sa GMA teleserye na Love Before Sunrise.

Heart, ‘di maawat

Hindi talaga maawat ang pagiging Fashion Superstar ni Heart Evangelista dahil may bago na naman siyang cover shoot at ito ay para sa Harper’s Bazaar Indonesia.

Naka-post sa Instagram ni Heart ang video ng behind-the-scene ng kanyang first-ever Harper’s Bazaar shoot.

“Thrilled to have experienced beautiful Indonesia again — and this time for the cover shoot of @bazaarindonesia. Here’s a sneak peek,” caption ni Heart as she slays the shoot wearing black mesh top paired with dark blue jeans and gold jewelry and a black one-sleeved blouse, skirt, and boots.

Ito ang ikatlong cover ni Heart para sa isang internationally known fashion magazine. Nauna na siyang na naging cover ng ICON at Buro magazines sa Singapore.

Tunay na isang fashion diva si Heart at tuloy ang rampa niya sa fashion weeks ng Paris, Milan at New York kunsaan lagi siyang inaabangan ng photographers.

At tiyak na malabo nang mahabol ng ibang rumarampa-rampa na rin sa mga fashion week.

Ang nakakatuwa pa kay Heart, grounded pa rin siya at gusto pa rin niyang magtrabaho sa Pilipinas, kaya naman nag-renew siya ng kontrata with Sparkle GMA Artist Center para sa future projects niya next year sa GMA.

Justin, ayaw patulan ang pasabog ni Britney

Naging mailap pa rin si Justin Timberlake sa pagsagot sa abortion revelation ni Britney Spears sa memoir nito na The Woman in Me.

Ayon sa rep ng former NSYNC member: “Justin will always be supportive of Britney and all of her endeavors, but he’s trying to distance himself from her upcoming book. It’s not something he’s focusing too much on in terms of anything she might discuss when it comes to their former relationship.”

Sa isang excerpt sa book ni Britney, habang umiiyak daw ito sa banyo after ng abortion, nasa labas daw ng banyo si Justin at tinutugtugan siya ng gitara para mapatahan siya.

Ni-reveal din ni Britney na nagkaroon ng karelasyon na aktres si Justin habang sila pa. Dahil sa pangyayaring iyon, nakipag-fling si Britney sa choreographer na si Wade Robson.

Nakipaghiwalay raw si Justin sa kanya via text message na labis na ikina-depress niya. “The media portrayed me as a harlot who’d broken the heart of America’s golden boy, But I was comatose in Louisiana, and he was happily running around Hollywood,” sey ni Britney.

MATET DE LEON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with