Programa sa IT at engineering students ng PLDT at Smart, naka-dalawang dekada na!
MANILA, Philippines — Ipinagdiwang ng PLDT at Smart ang ika-20 anibersaryo ng kanilang programang SWEEP o Smart Wireless Engineering Education Program, kung saan nakikipag-partner sila sa iba’t ibang college at universities sa buong bansa na nag-o-offer ng Engineering at IT courses, na ginanap sa Marriott Grand Ballroom, Newport Blvd, Pasay.
Nag-set up sila ng SWEEP laboratory sa bawat eskuwelahan na kuhang-kuha ang isang telco environment at naglagay rin sila ng cell sites upang magka-signal ang schools at magkaroon ng hands-on experience ang faculty at students.
Binibigyan din nila ng training ang faculty members na isinasama naman ng mga ito sa kanilang curriculum.
Bukod doon ay nag-accommodate rin sila ng student OJTs o On-The-Job Trainings sa kanilang network field offices hanggang noong bago magpandemya ay mayroon silang 400 student OJTs taun-taon at pati rin ang mga faculty ay nag-i-intern sa kanila.
Ayon kay Stephanie V. Orlino, AVP and Stakeholder Management Head ng PLDT at Smart, isa sa milestone nila ay nakapag-provide na rin sila ng local deployment mula sa kanilang local hires na galing sa kanilang partner schools sa mga probinsya.
Bago pa man daw ang programa ay hindi maiwasan na pagkatapos ng paghasa nila sa kanilang trainees ay umaalis ang mga ito at nangingibang bansa. Kaya naman nagdesisyon silang simulang hasain ang kabataan bago pa man makapagtapos ang mga ito at iyon na ang naging simula ng programang SWEEP.
Hindi na rin bago ang mga ganitong pangyayari dahil maski sa showbiz ay maraming celebrities ang umaalis at nangingibang bansa kung saan mas pinipili nilang magtrabaho at talikuran ang kanilang showbiz career.
Gaya na lamang ng dating aktres na si Kim delos Santos na tahimik na namumuhay sa Amerika bilang nurse, habang ang dating Eat Bulaga host na si Ruby Rodriguez na kasalukuyan nang nagtatrabaho sa Philippine Consulate Office sa Los Angeles, California. Ganoon din sina Michelle Madrigal, Serena Dalrymple, Nancy Castiglione at marami pang iba.
Samantala, mula nang ilunsad ang SWEEP noong March 2023 sa Bulacan State University, kasalukuyan na itong may 41,095 faculty at students na direktang sinasanay, habang mayroon naman silang 4,194 na mga estudyanteng OJTs at may 25 partner schools sa buong bansa.
Nakapag-hire na rin sila ng 1,130 na graduates. Nakapag-develop naman sila ng 320 prototypes at apps, at suportado ang 6 startups.
Layunin nilang mas marami pa silang kabataan ang matulungan at mahasa.
Bilang parte ng kanilang pagdiriwang ng kanilang ika-20 anibersaryo, nagkaroon din ng Philippine Digital Convention 2023 na ginanap din sa Marriott Grand Ballroom.
- Latest