^

Pang Movies

Matteo, laging bitbit ni Sarah

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Matteo, laging bitbit ni Sarah
Matteo at Sarah
STAR/ File

Two days pala ang launching ng G Studios nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo at ipinasilip ni Matteo ang ilang part ng S Studios na high tech. Ang luwag ng rooms at naglagay ng Panoramic Memories 360 video booth na nauuso ngayon sa mga party at event.

Pati nga si Lea Salonga, nag-congratulate kina Matteo at Sarah at masaya sa binanggit na “A space in the south, finally!!!”

Marami pang ibang celebrities ang nag-congratulate sa mag-asawa at naging tourist attraction na raw sa Alabang ang G Studios. Big bonus pa kung makita ninyo sina Matteo at Sarah o ibang celebrities.

Samantala, kahit gaano ka-busy si Matteo, sinasamahan pa rin si Sarah lalo na sa mga out of town ganap niya. Gaya na lang ng concert nina Sarah at Bamboo sa Cebu City, kasama pala si Matteo at nasa backstage lang ito, inaabangan si Sarah at baka may kailangan.

Malapit na rin palang mapanood si Matteo sa series sa GMA 7 dahil sa Nov. 6, na ang world premiere ng action-packed series na Black Rider. Action star ang datingan dito ng mister ni Sarah dahil sa role ng isang pulis, nakikipagbarilan, may car chase pa at ipinakita ang husay niya sa car drifting.

Heart, nagpaka-hotdog sa supermarket

Pustahan! May mga gagaya kay Heart Evangelista na nang mag-shopping sa Target, nagsuot ng costume ng hotdog. Ginawa raw niya ‘yun para “they wouldn’t bother me.” Nakapag-shopping nga si Heart nang walang lumapit para magpa-picture, pero dahil na post, siguradong may gagaya sa kanya at maglalabasan ang maraming memes.

And speaking of Heart, ginaya ng batang si Eunice o ng mom ng bata ang suot ni Heart noong GMA Gala Night 2023 na may parang shell na nakatakip sa boobs.

Gawa ng mom ng bata ang costume na ikinatuwa ng netizens.

Si Eunice ang the same baby girl na ginaya ang suot na two gown ni Kathryn Bernardo nang dumalo sa premiere night ng movie na A Very Good Girl sa Los Angeles. Sino kaya ang sunod na gagayahin ni Eunice and her mom Rochelle na in fairness, nakakatuwa.

Diego, inaabangan ang face reveal sa anak at partner!

Malapit nang ipakita ni Diego Loyzaga ang mukha ng kanyang baby girl dahil sa latest posted photo niya with her baby girl, kita na ang left cheek nito. As in, konting-konting movement na lang ng baby, masisilayan na natin ang kanyang mukha.

Makikita na rin natin kung kamukha ba niya ang kanyang baby o kamukha ng mom nito na incidentally, hindi pa rin pala ipinapakilala ni Diego at hindi pa ipinapakita ang mukha. Ano kaya at sabayin niya ang face reveal ng baby girl niya at ng kanyang partner?

Limited lang ang puwedeng makapag-comment sa post ni Diego, kaya walang nahalong negative comment. Isa nga sa nag-comment at ang sabi, “Big Daddy” ay ang na-link at naging girlfriend yata ni Diego na si Franki Russel. The rest of the comment, nag-congratulate sa kanya at Papa D na raw siya.

vuukle comment

MATTEO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with