Sparkle actor Kimson Tan, bumida sa Singaporean film!
Ang bongga naman ng Sparkle actor na si Kimson Tan na napabilang sa Singaporean film na King of the Hawkers.
Siya lang pala ang kaisa-isang Pinoy na pasok sa Singaporean movie at nakatrabaho niya pa ang food stylist ng pelikulang Crazy Rich Asians na si John See at pati na rin ang direktor na si Kelvin Sng.
Tungkol pala ang pelikula sa hawker center na sikat sa Singapore sa mga lokal at turista. Tinatalakay raw rito ang daily life ng mga Singaporean at paano tangkilikin ng mga ito ang pagkain sa hawker center. “We’re talking about the hawker centers, ‘yung culture ng hawker centers sa Singapore, ‘yung mga pagkain, ‘yung way of life ng mga Singaporean talaga, ‘yung daily life nila, kung paano nila tinatangkilik ‘yung mga pagkain sa hawker center,” sey ng aktor.
Proud na proud naman si Kimson at feeling blessed na maging bahagi ng pelikula at mai-represent ang mga Pilipino.
Pahayag pa niya, “Just as I’ve said before sa presscon ko, this was my dream, this was my highest dream for me to try to explore the international market when it comes to acting.”
Siguradong maraming fans niya ang sabik nang mapanood ito na matagal din bago natapos.
Naku, Kimson, sana naman ay ginalingan mo ha.
- Latest