^

Pang Movies

Super Junior nag-perform sa birthday celeb ng anak ni Pacquiao!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Super Junior nag-perform sa birthday celeb ng anak ni Pacquiao!

Ang bongga naman ng special guest sa 17th birthday ni Princess Pacquiao, anak nina Manny at Jinkee Pacquiao, dahil si Eunhyuk lang naman ng Super Junior ang kanyang bisita. Ilang Pinoy ba naman ang magiging bisita at babati sayo ng happy birthday sa kaarawan mo?

In-upload ni Jinkee ang videos ng birthday celebration ni Princess noong Oct. 1, at makikita si Eunhyuk na tsini-cheer si Princess at bini-video pa habang kinakanta nila ng sister niyang si Queenie ang Killing Me Softly With His Song.

Kumanta rin si Eunhyuk sa party ng As Long As You Love Me habang sumasayaw sina Manny at Jinkee.

Game ring nagpa-picture si Eunhyuk si pamilya nina Manny at Jinkee. Hindi magarbo ang party dahil naka-shorts at t-shirts lang ang birthday celebrant at ang kapatid. Sa picture taking na lang nagpalit ng pants sina Princess at Queenie.

Si Eunhyuk at Donghae ay members ng Super Junior D&E sub-unit at kaya nasa bansa dahil nagkaroon sila ng 2023 D&E World Tour Fancon sa Araneta Coliseum noong Sept. 30.

Ang swerte ng mga anak nina Manny at Jinkee, nakikita, nakakasama sa pagkain, nakakausap ang mga sikat na celebrity sa bahay nila mismo, hindi na nila kailangang lumabas pa ng bahay, sila ang pinupuntahan.

DonBelle, gustong maka-collab ang DongYan

Na-interview ni Cata Tibayan ang ilang Kapa­milya stars sa ABS-CBN Ball 2023 at isa sa kanyang tanong ay kung sinong Kapuso stars ang gusto nilang makatrabaho?

Sina Donny Pangilinan at Belle Mariano, ang Primetime King and Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang gustong makatrabaho. “I’m such a huge fan of them. They’re such a iconic couple,” sagot ni Belle sa tanong ni Cata.

Sina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi naman ang choice nina Francine Diaz at Seth Fedelin. Wala silang binigay na rason.

Si Julia Barretto naman, si Jennylyn Mercado ang gusto sanang makatrabaho. “She’s always been so nice and sweet,” patungkol ni Julia kay Jennylyn.

Heart, ‘di feel ng local fashion mag?!

Nagtatampo pala ang fans ni Heart Evangelista sa Vogue Philippines dahil hindi raw pine-feature si Heart at lagi raw si Pia Wurtzbach ang pini-feature. Kaya nang i-feature ng Vogue si Heart gamit ang black and white photo nito, ang daming comment.

Tinawag pang bully ang Vogue at pinayuhang maging professional at ‘wag ipahalata na may favorite sila. May nagtanong pa kung hindi ba nagkamali ng post ang Vogue? Comment pa ng fan ni Heart, magpo-post din lang ang Vogue ng picture nito, bakit blurred photo pa ang ginamit.

Ipinaalala rin ng fans ni Heart na noong nagbigay ng dinner party ang Vogue Philippines, lahat ng Pinoy na nasa Paris Fashion Week inimbita maliban kay Heart. Tapos ngayon, kung kailan tapos na ang PFW, saka raw magpo-post ang Vogue ng tungkol dito.

Pero wala namang isyu kay Heart at ni-repost pa nga ang post ng Vogue, kaya dapat siguro mag-chill lang ang fans niya.

vuukle comment

JINKEE PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with