^

Pang Movies

Cherry Pie inamin kay Maricel ang nangyari sa kanila ni Edu!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Cherry Pie inamin kay Maricel ang nangyari sa kanila ni Edu!
Cherry Pie Picache

Mahigpit na nagyakapan sina Maricel Soriano at Cherry Pie Picache nang magkita sa isang resto para sa guesting ni Cherry Pie sa vlog ni Maricel. Hindi pa namin napanood ang buong vlog na lumabas noong Septembr 30, pero may tanong si Maricel na sa upload nito sa Instagram ay binitin ang sagot ni Cherry Pie.

Tanong ni Maricel, “kumusta na ang puso mo?”  at maki­kitang nakangiti lang si Cherry Pie.

Tama rin ang caption ni Maricel sa video post nila ni Cherry Pie na “The meeting I know you were waiting for, has already happened” dahil marami talaga ang interesadong magkaharap sila. Common denominator nila si Edu Manzano na ex-husband ni Maricel at boyfriend ni Cherry Pie.

May balitang break na sina Edu at Cherry Pie, pero may nakita kaming picture na magkasama sila noong birthday ni Edu.

Ano ba talaga ang totoo?

Anyway, sa October 5 na pala ang simula ng streaming ng Linlang sa Prime Video na isa sa mga bida si Maricel. Siya si Amelia Lualhati sa series na available sa bansa at sa 240 countries and territories worldwide.

Nadine at pia, ‘di na-nega

Kung may photo sa Paris Fashion Week sina Anne Curtis at Heart Evangelista, meron din sina Nadine Lustre at Pia Wurtzbach na nagkita sa fashion show ng isang luxury shoes.

Magaganda ang comments ng followers at fans ng dalawa, walang negative at hate comments, walang nam-bash at walang pagkukumpara. Dapat ganito lang, good vibes lang dahil pare-pareho namang itinataas ng mga Pinay fashionista ang Pilipinas.

Pinasalamatan pa nga ng fans nina Nadine at Pia ang isa’t isa para sa photos na magkasama sila at comment nga ng kababayan natin, “Yes, more more Filipino.”

Candy at Aiko, may gap?!

May ginagawang pelikula ang magkakaibigang Carmina Villarroel, Gelli de Belen, Candy Pangilinan, at Janice de Belen titled Road Trip sa direction ni Andoy Ranay.

Magkakasama rin ang apat sa podcast nilang Wala Pa Kaming Title at kung gaano sila kasaya sa podcast, ganoon di sigurado sa pelikula.

May nagtanong kung bakit wala sa cast si Aiko Melendez na ang alam ng lahat ay close friends din nina Carmina, Gelli, at Janice. Fan din ang sumagot na baka hindi pa rin okay sina Aiko at Candy. Nalaman tuloy namin na may conflict ang dalawa.

 

 

vuukle comment

CHERRY PIE PICACHE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with